bc

Hidden Gems | Sapphire

book_age18+
535
FOLLOW
1K
READ
possessive
sex
one-night stand
playboy
CEO
sweet
bxg
single daddy
city
virgin
like
intro-logo
Blurb

Sapphire works as a sous chef at The Sour Vine – one of the most exclusive and hideously expensive restaurant in the city. She is really good in her field and that’s why after her on the job training – she got hired immediately. Her signature trifle recipe is to die for. Everything is going great until the head chef got sick and was temporarily replaced by Valentino Rodriguez. He is a renowned chef in the country and the one and only owner of TSV. Suddenly, it’s not just the kitchen that is hot but her body too – she burns for him and he’s not even throwing her a glance.

***

Copyright © 2021 SilentQuinn . All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form on by an electronic or mechanical means, including information storage and retrieval systems, without permission in writing from the publisher, except by a reviewer who may quote brief passages in a review.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
BILANG pastry chef ay hindi madaling magtigil at magluto sa mainit na kusina. Pero bata pa ako ay hilig ko na ang pagluluto kaya tiis ganda. Naroong oily ang mukha ko pati na ang buhok pagkatapos ng trabaho o kaya naman ay marumi ang puting uniform pero masaya sa pakiramdam. Alam mo kung bakit? Dahil nagagawa ko ang gusto ko. Mapwera na lang ngayong araw na ito sa TSV na lahat ng tao — as in lahat, ay nagkukumahog at hindi magkaintindihan sa ginagawa nila. Siguro kung may medal sa kung sino ang pinaka-natataranta ay nandito sa amin ang finalists. They all looked like chickens running with their heads cut off. Ano ba kasing meron sa The Sour Vine? Kadarating ko lang sa kusina ay halos hindi ako makarating sa station ko. Nilapitan ko si Viola at tinanong. S'ya ang pinakaclose ko dito sa trabaho. "Vi, what's happening? Bakit mukhang stress na tinubuan ng tao ang mga nasa kusina?" nakatawa kong tanong sa kanya. "Naku, naka-medical leave ang Head Chef kaya pansamantalang papaltan ni Bossing," sagot nito sa akin. Bossing? Sino? Si Val my loves? "Bossing as in the great Valentino Rodriguez?" ulit ko sa kanya. Umikot ang mata nito. "Sino pa nga ba kung hindi 'yong matagal mo ng sinisin--" Agad kong tinakpan ang bibig nito. Alam n'yang matagal na akong may crush kay Val. Sino naman kaya ang hindi magkakagusto dito? Noong nagsabog yata ng kagwapuhan ay ito lang ang tanging gising at sinalo na lahat. Mula sa makapal at itim na itim na buhok na may kaunting alon, maamong mata na binagayan ng tamang kapal ng kilay, matangos na ilong at mapulang labi na medyo manipis ay binigyan pa ng sapat na tangkad at magandang pangangatawan. Para na s'yang bida sa Greek Mythology except hindi s'ya Greek kundi may lahing Espanyol. "Huwag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa 'yo ay nakakahiya," saway ko dito. Tumawa naman ito ng nakakaloko. "Oo na. If I know, excited ka laging pumasok. Baka ikaw na nga ang magbukas at magsara ng restaurant ngayong s'ya na ang nandito," tukso nito sa akin. Inirapan ko s'ya. "Para namang mapapansin n'ya ako. Ano namang panama ko sa mga babaeng nakapulupot sa kanya?" "Ikaw lang itong walang bilib sa sarili mo. Ang ganda ganda mo kaya! Kung napatangkad tangkad ka lang ng kaunti ay pwede ka ng magmodelo," puri nito sa akin. Lumabi ako. "Sus! Ang sabihin mo, love your own ka lang talaga." "Tse! Gumawa ka na ng soufflé mo. Pasikatan mo si my loves mo. Hindi ba, ang sabi nga eh sa tyan daw ang daan papunta sa puso." Napangiwi ako sa kanya. Mas magandang pakinggan sa English 'yon eh. "The way through a man's heart is through his stomach." Lumabi ito. "Ganoon na rin 'yon. Arte mo. Ingglisera," tatawa tawang sabi nito sa akin.  "Tss. Love mo naman ako." "Oo, pero mas love mo si Bossing. Tanggap ko na!"  Nag-fist bump kami at nagsimula ng magtrabaho. Ganito ang buhay sa kusina. Mamalay ka na lang nakalubog na ang araw, malalim na ang gabi at patapos na ang shift mo. Kailangan mabilis ang kilos mo, bawal talaga ang mabagal. Kung hindi, madaming magagalit na customer sa 'yo. Alam mo naman sa kahit anong kainan, lahat ng customer akala mo instant ang pagluluto at laging customer is always right. Kung hindi ko lang talaga mahal ang pagluluto, hindi ako magtatyaga sa maliit na sahod. Kulang pa kaya sa pagod at sakit ng binti ko. Minsan nga, may bonus pang paso sa kamay. Ang sabihin mo, mahal mo lang ang may-ari ng TSV. Tsk! Ten minutes na lang at maluluto na ang souffle ko pero wala pa ni anino ni Bossing. Aba, malapit na rin akong umuwi. Isang oras na lang.  Closing kami ni Vi ngayon at sobrang pagod na ako. Nanginginig na nga ang binti ko sa pauli-uli ko sa kusina lalo na kapag nauubusan ako ng ingredients. I actually baked this souffle for the crew. Request nila ito kanina sa akin kanina. Konti lang naman ito at may palabis ako sa order. Besides, best seller ko ito. It's my own recipe at kahit exclusive ito sa TSV ay hindi ko ibinigay ang mga sangkap. Malay mo, balang araw magkaroon din ako ng sariling restaurant.  "What is that smell?" tanong ng lalake sa likod ko.  Sa sobrang gulat ko ay bigla akong tumayo at hindi ko nakita ang nakabukas na pinto ng wall cabinet. Damn it! Ang sakit. Kaaga na lumapit ang lalake sa akin. "What the -- careful!" sabi nito. "Ambango mo," bulong ko.  Huli na ng marealize ko na nasabi ko ng malakas 'yon. Ang buong akala ko ay sa isip ko lang. Nang mapatingin ako sa kanya ay bumungad sa akin ang mukha ni Val at nakataas pa ang isang kilay nito. "Excuse me?" titig na titig ito sa akin at kulang na lang pati kaluluwa ko ay kiligin sa kanya. Napangiwi ako. "Nothing, Sir." Shit. Ang pogi n'ya. Mas pogi s'ya sa personal kaysa sa tv at mga magazines. Puting puti ang ngipin at pwede ng maging model ng toothpaste. 'Yon nga lang, nakataas ang isang kilay n'ya. May pagka-suplado nga pala ito. Sa saglit na pagkakalapit namin ay halos ayaw ko ng lumayo sa kanya. I was busy daydreaming that I forgot about the souffle. "Oh my God!" dali-dali kong tinakbo ang nakasalang ko sa oven dahil umuusok na ito.  Damn it! Ngayon lang ako nasunugan ng souffle sa buong buhay ko. At 'yon ay dahil nandito ang katawang lupa n'ya. Nakakahiya! Hindi ko mahitsurahan sa sobrang itim. Gusto kong kainin ng lupa lalo na noong nagkomento s'ya. He wasn't smiling and that's worse. "I was told they serve the best souffle here but it doesn't look like it. I have never seen such a bad souffle until now," he chuckled then head for the door.  Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako masusunugan ng niluluto ko. At instead na damayan ako, nakarinig pa ako ng lait. Nakita naman n'ya na nauntog ako sa pagkagulat sa kanya. Kung may kasalanan man sa nangingitim kong souffle ngayon, s'ya 'yon! Bigla tuloy natunaw ang pantasya ko sa kanya. Suntok sa buwan na nga mapansin n'ya, lalo na ngayon na may pagkasuplado pa pala ito sa personal. Simula ngayon, hindi ko na s'ya my loves. Bwiset!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.7K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.1K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook