CHAPTER 7

2089 Words
Jema Point of View Wenesday ngayon dapat workout kami pero sabi ni Coach Ed tatakbo lang daw kami, sa isang field kami nag-jogging, sa loob ng tatlong oras puro lang kami jog. "Break muna." Ate Ly said. Isa-isa kami umupo sa bleacher, kinuha ko agad ang gatorade sa bag ko at ininom agad. "Girls pagod na?" Ed asked while smiling. "Hindi coach, pagod na pagod." Kyla said. "Hahahah! Cge sa CMS naman na tayo." "Ha? Akala ko ba tatakbo lang tayo coach?" Ate Michele asked. "Nagbago isip ko tsaka three hours palang naman kayo nagtra-training, dapat seven hours ang training niyo." Coach Ed said. Nagsi-tanguan naman kami. Sa harap kasi ng CMS-Asia meron field at dun kami nag-jogging kaya mabilis lang kami makakarating sa CMS dahil nga tapat lang. "Girls kilos agad." Coach Mark said. Warm up muna bago kami pinagbuhat ni Coach Mark. Hay! Parang pabigat ng pabigat yung pinapabuhat niya ah. Natapos ang training namin bandang lunch na. Nakakagutom "Gutom na si mare oh." Ate Ly said nang makita ang expression ng mukha ko. "Tingnan niyo yung mukha, nakasimangot na." Kyla said while laughing. I checked my phone and bumungad sakin ang text ni Deanna. "Kumain kana baby?" "Hindi." I replied. Mabilis naman akong nakatanggap ng reply dito, siguro tapos na class niya. "Bakit naman? Hindi pa ba tapos training niyo?" "Tapos na, cge shower muna ako." Tinabi ko na muli ang aking phone sa gym bag ko atsaka tumungo sa shower room. Magkakasabay kami nila ate Jia at ate Mel na nag-shower pero iba-ibang cubicle. Kala niyo sa isang cubicle lang noh? "Guys mauna na ko, may date kami ni Rocco." Ate Mel said and umalis na. Sunod na umalis ay si ate Jia at ate Ly dahil mag-mall daw sila, inaaya nga ako eh pero sabi ko magpapahinga ako sa dorm. Naupo ako sa gilid and took my phone. Biglang may nag-pop na message habang chine-check ko yung twitter ko. "Hey! It's Vic, tinanggihan mo ko kahapon nung niyaya kita mag-dinner. Ngayon yayayain kita mag-lunch, pwede na ba?" Napangiti naman ako. "Sure, pick me up in CMS now and please faster because i'm hungry." "Sure, nandyan na ko after five minutes." He replied. I stood and took my gym bag. "Guys aalis na ko." "Saan punta? Yayayain sana kita mag-lunch." Kyla said. "Uhm . . May kasabay na ko mag-lunch eh." "Sino?" Curious na tanong ni ate Coleen. "Si Vic, niyaya niya ako kahapon kaso tinanggihan ko, nakakahiya naman kung pati ngayon tatanggi ako." I said. "Ah . . Alam ba 'to ni Deanna?" Ate Rizza asked. Umiling ako. "Hindi ate, cge na baka nasa lobby na si Vic." Sumakay na ko ng elevator pababa. Nakita ko si Vic na nakaupo sa couch kaya nilapitan ko ito. "Hi." He stood. "Hi Jem, so let's go?" "Yeah." Naglakad na kami patungo sa parking lot. "Saan tayo?" Pumasok ako sa passenger seat ng kotse niya. Wala naman akong dalang kotse dahil sumabay lang ako kanina kay ate Jia. "Saan mo ba gusto?" "UPTC tayo maraming resto na masasarap dun." "Sure." He started driving. Deanna Point of View Badtrip ako buong klase, ikaw ba naman maging kaklase mo yung si Frannie. Sino hindi mababadtrip? "Deanna sabay na tayo mag-lunch." Kumapit ito sa braso ko. Mabilis ko naman tinanggal. "Lumayo ka nga sakin, baka kung ano ang isipin ng ibang tao satin dalawa." "Pero pag sa inyo ni Jema okay lang sayo kahit anong isipin ng ibang tao." She said and pout. "Girlfriend ko naman siya eh. Eh ikaw? Hindi naman kita kaano-ano." "Mag kaibigan kaya tayo." "Mula nung maging obsessed ka sakin, pinutol ko na ang pagiging mag kaibigan natin." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi naman ito sumunod na, pumunta ako sa parking lot. Gusto ko kumain ng ramen kaya pupunta ako sa UPTC. Tinawagan ko si Luigi habang papunta ako sa parking lot. "Hello Gi?" "Oh Deans, why are you call?" "Uhm . . Pwede mo ba ako samahan kumain sa UPTC?" "Oo naman, ngayon na?" He asked. "Oo, magkita tayo sa west parking lot." "Cge." He ended the call. Nang makarating ako sa west parking lot, nakita ko agad si Luigi nakasandal sa kotse ko. "Hi Gi." Bumeso ako dito. "Ako na magdadrive." Binigay ko sa kanya ang susi ng kotse ko at sumakay na sa passenger seat. "Libre mo ba Deans?" "Oo naman, naistorbo na nga kita eh." I said. "Uy hindi ah. Nga pala kamusta na kayo ni Jema? Cold pa rin ba siya sayo?" Bigla akong nalungkot. "Yes. Kailangan ko pa ata siya suyuin bago kami bumalik sa dati." "Ligawan mo Deans tutal hindi mo naman siya niligawan dati eh." He said. "Tsaka nalang kapag hindi na ko busy basta sisiguraduhin ko bago matapos ang first round ng UAAP volleyball maayos na ulit kami." "Dapat lang noh, baka mamaya mauwi kayo sa hiwalayan kapag hindi pa kayo nagkaayos." I nodded. Bago kami kumain ng ramen sa UPTC, naglibot-libot muna kami sa UPTC. Habang namimili si Luigi ng sapatos, lumabas ako ng store. Tumingin tingin ako sa aking paligid at may nahagip ang mata ko na hindi kaaya-aya. Tumalikod ako sabay suot sa cap ko. Napapikit nalang ako ng tumulo ang aking luha. s**t! Sobrang sakit na makita silang dalawa na kumakain habang masayang nagkwe-kwentuhan. "Dea——Teka, bakit umiiyak ka?" "Wala." I wiped my tears. "Tara na." Hinihila ko ito pero ayaw nito maglakad, nakita kong nakatingin ito sa aking likod. "Si Jema yun diba?" "Gi tara na." Hinila ko ito ulit at this time ay nagpahila na siya. Hinila ko ito patungo sa ramen restaurant. "Okay ka lang ba, Deans?" "I'm okay." Tinawag ko ang waiter. "Isang ramen nagi and water." "Ako din, same order." Umalis na ang waiter. "Deans diba si Vic yung kasama ni Jema?" "Gi ayoko ko muna siya pag-usapan, i need to eat." "Eh s-sorry, cge h-hindi ko na s-siya babanggitin." Sabay kamot nito sa kanyang batok. Tumingin ako sa bintana. Hay! Niloloko ba ko ni Jema? Ayoko mag-isip ng masama dahil ayoko na naman mapagsalitaan si Jema ng masasakit na salita. Masakit ang aking ulo ko pagka-gising ko. s**t! Naparami yung inom ko. Nasan nga ba ko? Tumingin ako sa aking paligid at napagtanto kong nandito pala ako sa aking condo. "Sino naghatid sakin?" I asked to myself. Biglang bumukas ang pinto. "Good morning, Deans." "Oh Gi, anong ginagawa mo pa dito?" "Grabe, yan agad ang tanong mo? Hindi ka man lang ba magpapasalamat dahil dinala kita dito sa condo mo?" "Ah . . Eh salamat. Nga pala anong oras na?" "Oras na para maligo ka dahil may training ka pa." He said and nilapag sa side table yung dala nyang pagkain para sakin. Bigla kong naalala si Cap. "Gi, patay ako!" "Bakit?" "Hindi ako umuwi ng dorm." He smiled. "Don't worry nagtext ako kay Bea at sinabi ko na dito ka sa condo mo matutulog." "Teka! Sinabi mo uminom ako?" "Hindi noh. Alam mo mabuti hindi ka sumuka kagabi kundi matutulog kana puro suka. Nga pala pangalawang bote palang yung naiinom bagsak kana agad, baba ng tolerance mo sa alak." He said. "Tsk!" Kinuha ko ang baso na may laman na kape at ininom iyon, kumagat din ako sa sandwich. "May gamot ka?" "Yes madam, lumabas ako kahit madaling araw palang para ibili ka ng gamot, halos three hours pa nga lang ang tulog ko eh." "Hala! Sorry Gi." "Okay lang para sayo, kaibigan kita eh." "Thank you. Nga pala wala ba akong ginawa kagabi?" "Umiyak ka lang naman habang pinapanood kita uminom, tapos nung lasing kana binabanggit mo yung pangalan ni Jema at nagso-sorry ka, hanggang sa tulog ka nga sinasabi mo yung pangalan niya eh." "Ah . . Okay." I slowly stood. "Uhm . . Gi makakauwi kana, iwan mo na ko." "Deans pwede ba dito muna ako matulog sa condo mo? Mamaya nalang ako aalis ng lunch tutal lunch pa class ko eh." "Sure. Cge maliligo na ko." I said and went to the bathroom. Pagtapos ko maligo ay pumunta ako sa kitchen para kunin ang gamot ko na binili sakin ni Luigi. Parang tanga din si Luigi eh. Meron naman gamot para sa hangover, nakalagay sa medical kit pero lumabas pa din siya. Siguro hindi niya nakita. I looked at the clock, s**t! Six o clock na. Dahil late ako sa training ng fifteen minutes, binigyan ako ng punishment ni Coach O. Pinagpush up niya ako ng fifty tapos one hundred sit up and five minutes planking. Oh diba ang dali? Joke! Sobrang hirap kaya, lalo na yung planking. "Bakit late ka, Deans?" Tanong ni ate Bea. Siya yung sinesetan ko ng bola. "Late ako nagising." Pagsisinungaling ko. Sa totoo lang hindi naman dapat ako late, yun nga lang natagalan ako sa pagligo dahil tinitigan ko yung tubig. Yan tuloy, hindi ko namalayan na isang oras na pala ako sa CR. "Puyat ka noh? Namumula mata mo oh." Sabi ni Pongs na napadaan sa gilid ko. Tumango nalang ako at ngumiti. Gusto ko sana sabihin na kaya namumula yung mata ko kasi umiyak ako kaso wag nalang, nagbago na isip ko. Jema Point of View Gumising ako na nagtataka. Bakit ganun? Bakit wala pa rin syang text? Mga nakaraang araw kahit hindi kami nagkikita lagi siya nagtetext sakin, madalas pa nga umaga pero ngayon wala. Bakit kaya? Hindi kaya tulog pa siya? Pero imposible eh, may training sila ngayon. Siguro nakalimutan niya. "Mareng Jema tulala kana naman." Risa said. "Ha?" "Ano ba yan tinitingnan mo sa phone mo?" She asked habang umiinom ng gatorade. "Ah kasi si Deanna hindi pa nagte-text, naninibago lang ako." "Naku! Baka napagod na yan, ikaw kasi pabebe ka pa." "Bakit naman siya mapapagod? Eh wala pa naman siya ginagawang effort para maibalik yung dating kami." "Yun nga wala pa kasi ang cold mo sa kanya, eh shy kaya yung tao." She said. "Nahihiya siya sakin?" She nodded. "Oo, ikaw naman parang hindi mo kilala yung girlfriend mo kung gaano ka-shy." "Eh kahit na dapat gumawa pa rin siya, hindi excuse ang pagiging mahiyain." "Sus cge ka, mamaya pinagpalit kana nun kay Frannie." Pananakot nito sakin. "Ate Ly oh." "Risa binubully mo na naman si Jema." Ate Jia said. "Eh Jia totoo naman eh, diba kaya hindi gumagawa ng efforts si Deanna kasi nahihiya siya kay Jema?" "Paano mo nasabi na nahihiya siya kay Jema? Tinanong mo ate Risa?" Kyla asked. Nagtawanan naman kami. "Oh sagutin mo yung tanong ni Kyla." "Hindi ko sinabi pero ramdam ko yung nararamdaman ni Deanna kaya nasabi ko yun." Risa said. "Wala ka naman girlfriend or boyfriend, Risa. So paano mo nasabi na nararamdaman mo iyon?" Mapang-asar na tanong ni ate Ly. "Arghh! Basta, dami nyong tanong." She said and bumalik na ulit sa ginagawa niya. I looked my phone again but wala pa rin syang text. Hay! Nakakatampo naman siya, don't tell me wala syang balak magtext sakin? Nang matapos ang training ay chineck ko agad ang phone ko. Hays! Wala pa din text, excited pa naman ako mabasa yung text niya. "Ayan umaasa ka na itetext ka niya noh?" "Mukhang trip mo ko ngayon, Risa ah." "Hindi naman, nagsasabi lang ako ng totoo." She said. "Bakit kasi hindi nalang ikaw ang magtext? Tutal siya naman laging nagtetext sayo past few days." Ate Jia said. "Eh diba nga gusto ko siya matuto? Pag tinext ko siya baka isipin niya okay lang yung ginawa niya kay Vic, baka isipin nun okay na sakin yung sinabi nyang masakit na salita sakin." I said. "Sus Vic na naman. Uy baka nakakalimutan mo may Deanna kana." Kyla said. "Kahit kailan hindi ko nakalimutan yun, Kyla." "Nga pala anong nangyari sa date niyo ni Vic?" Ate Coleen asked. "Hindi nga po date." "Cge friendly date nalang." She said. "Maayos naman kumain lang kami tapos naglakad-lakad, mabuti nga walang nakapansin samin eh." "Dapat lang noh kundi maiissue kayo and baka mag-away na naman kayo ni Deanna." Ate Rizza said. "Hindi naman siguro, nag-promise siya sakin na hindi na siya magiging padalos-dalos." I said. "Oh nangako naman pala eh, edi itext mo na." Ate Jia said. Itetext ko ba o hindi? Ayt! Kainis naman 'tong pride ko, sabi ng isip ko itext ko pero ito naman pride ko pinipigilan ako. Pero bahala na nga. Kapag mahal mo diba kakainin mo yung pride mo? Ay! Bahala na. ••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD