Deanna Point of View
Two days . . . Two days na akong walang gana, ni hindi nga ako ngumingiti o tumatawa man lang.
Lagi din akong wala sa sarili kaya madalas ako mapagalitan ni Coach. Two days na din akong walang balita kay Jema, hindi ko siya tinatawagan o tinetext.
Wala din naman akong natatanggap na text galing sa kanya o tawag, siguro kasi masaya siya kasama si Vic kaya wala na syang pakialam sakin.
"Deans pansin namin lagi ka wala sa sarili. Okay ka lang ba?" Ate Maddie asked.
"Yes ate Mads, sorry pagod lang talaga ako."
"Mula nung lumabas kayo ni Luigi, nawala kana sa sarili. May ginawa bang masama si Luigi sayo?"
"Wala po." I said.
Pinaharap ako nito sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Alam ko may mali sayo, tell me. What's your problem?"
Nagsisimula na naman tumulo ang aking luha. "Ate Mads . . I saw Jema eating with Vic."
"Then?"
"It's hurts."
She hugged me, tuluyan na nga akong umiyak. "It's okay, Deans. Maaayos din kayo."
Nang matapos ang aking ginagawa sa dorm ay pumunta ako sa condo. "Hi ms. Deanna."
"Hello, where's Charlie?"
"Nasa kwarto niyo po." Inabutan ko ito ng pera. "Ms. Deanna ayaw po pala kumain ni Charlie."
"Bakit?" Nag-aalala kong tanong.
"Hindi ko po alam, ms. Deanna."
"Cge umalis kana, ako ng bahala."
"Okay ms. Deanna, salamat." She said and leave.
Pumasok ako sa aking kwarto nadatnan ko si Charlie na nasa kama ko, nakahiga habang malungkot na nakatingin sa bintana.
"Hey doggie!" Umupo ako sa tabi nito. Tumingin ito sakin at bigla akong dinamba ng yakap. "Hindi ka daw kumain? Ayaw mo ba ng dog food."
"Arff! Arff! Arff!"
Napatingin ako sa mata nito na kasalukuyan namumula. Bakit namumula ang mata nito?
"Teka, kailangan ata kita dalin sa pet clinic." I said and binuhat ito.
Kinuha ko ang aking susi at wallet, buhat-buhat ko si charlie hanggang sa makarating kami sa kotse.
Pinasok ko ito sa passenger seat atsaka sumakay sa driver seat, pinaandar ko yung kotse ko papunta sa Pet-MDs clinic.
"Hello ms. Deanna." Bati sakin nung veterinario.
Kilala ako dito dahil dati sinamahan ko dito si Ponggay nung pinacheck-up niya yung pusa niyang alaga.
"Doc paki-check naman siya oh, namumula kasi yung mata tsaka ayaw kumain."
"Binili mo 'to ms. Deanna?" Tanong niya habang chine-check si Charlie.
"Hindi, gift lang sakin ng mom ko."
"Ang cute ah."
Umupo muna ako sa waiting area at tinext si ate Maddie. "Ate Mads malelate ako sa meeting, dinala ko sa clinic si Charlie."
May meeting kasi kami hindi ko alam kung tungkol saan ang pagmi-meetingan namin, sinabi lang samin ni Coach O kanina na may meeting bago siya umalis kanina.
Jema Point of View
Nasa mall ako ngayon kasama sila ate Michele at Risa. Kasama din namin si ate Coleen at ate Jia.
"Bakit nakasimangot ka?" Natatawang tanong ni Risa.
"Hindi na kasi siya tinetext ni Deanna." Ate Coleen said.
"Hala! Baka nalaman niya na nakipagdate ka kay Vic." Ate Michele said.
"Sira! Paano niya malalaman? Eh wala naman kumalat na pictures." Ate Jia said.
Oo nga noh, mula nung lumabas kami ni Vic dun na tumigil ang pagtext niya sakin.
Pero imposible niya malaman kasi wala naman kumalat na pictures namin ni Vic sa twitter. Isa pa kahit malaman niya wala naman masama dahil parang pasasalamat lang ni Vic sakin yun dahil nga tinulungan ko siya.
"Yari kayo nag-iisip na si mareng Jema." Risa said while laughing.
"Guys may meeting pala tayo mamaya ah, kasama yung lady eagles tsaka ipapakilala na daw ni Coach O kung sino yung bagong magiging teammates natin." Ate Michele said.
"Excited na ko makilala yung bagong ka teammates natin." Risa said.
"Ako rin." Ate Coleen said.
"Sino ba? Wala pa bang may alam sa inyo?" I asked.
"Wala pa, surprise daw sabi ni coach Ed eh." Ate Jia said.
"Anong oras yung meeting?"
"Four o clock, pagtapos natin mag-mall punta na agad tayo sa BEG." Ate Jia said.
I nodded. "Ate kain tayo ng ramen."
"Cge ba basta libre mo."
"Mukha ka talagang libre." Ate Michele said to ate Jia.
"Michele mas masarap kapag libre." Ate Jia said and hinatak na ko patungo sa ramen restaurant.
"Ikaw na umorder, Risa." Inabot ko ang pera kay Risa.
"Bakit ako?"
"Kasi maganda ka, cge na." Tinulak ko ito papunta sa cashier.
Naghanap kami ng upuan sa bandang dulo, basta ramen restaurant maraming kumakain for sure.
Nang matapos kami kumain ay pumunta naman kami sa ice cream parlor, si ate Michele naman ang nanlibre.
"Ano ba sasabihin nila coach tsaka bakit kasama natin mag meeting yung lady eagles?" I asked.
"Ewan. Tsaka maganda nga yun para makita muna yung Bb mo, diba namimiss mo na yun?" Ate Coleen said.
"Wala akong sinasabi ah."
"Hay na ko Jema, bakit ba kasi ayaw niyo pa mag-ayos ni Deanna?" Ate Michele asked.
"Maayos naman kami ah."
"Maayos ba yun? May mag-jowa ba na hindi nag-uusap?" Risa asked.
Palihim ko itong kinurot at binulungan. "Manahimik ka." Tumingin ako kay ate Michele. "Eh ate maayos naman kami eh, nag-usap na kami habang nasa hospital ako."
"Eh bakit ngayon wala kayong communication? Alam mo Jema mas mabuti ng nag-tatalo kesa mawala ang communication. Kapag nawala ang communication niyo sa isa't-isa pwede kayo maghiwalay." Ate Michele said.
I nodded. "Alam ko naman ate, kaso nahihiya ako eh."
"Hindi ka dapat mahiya, karapatan mo siya kausapin dahil girlfriend mo siya." Ate Jia said.
"Oy tama na yan! Pumunta na tayo sa ateneo dahil malapit na mag-three." Singit ni Risa.
Hinintay pa namin maubos ni ate Coleen yung ice cream niya bago kami tumungo sa parking lot ng SM.
Papasok na sana kami sa BEG kaso naudlot nang biglang may sumigaw. "Jema!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa taong tumawag sakin. "Si Lover boy." Risa said.
"Hi Jema." Bati ni Vic sakin pagkalapit niya sakin, binati niya din yung teammates ko.
"Hello. Anong ginagawa mo dito?"
"Uhm . . Bibisitahin ko si Ron Medalla." He said.
"Ah . . " Sabay tango ko.
"Kayo? Anong ginagawa niyo dito?" He asked while smiling.
"Meeting with lady eagles." Si ate Jia na ang sumagot.
"Ah . . So tara, sabay na ko sa inyo papasok." Umakbay ito sakin.
Sinubukan ko ang tanggalin ang kamay nito pero binalik din, nakita ko ang pag-sama ng tingin ni ate Jia kay Vic.
Ngumiti nalang ako sa teammates ko para malaman nilang okay lang ako. Nang makapasok kami sa BEG ay nakita ko agad ang lady eagles.
Napatingin ito samin ni Vic kaya mabilis akong lumayo kay Vic, ngumiti ako kay Vic. "Cge na Vic."
"Wala pa si Ron tsaka yung mga coach niyo, samahan mo muna ako dito." Hinatak ako nito paupo sa bleacher. "May gagawin ka ba pagtapos ng meeting niyo?"
"Wala, bakit?"
"Meryenda tayo." Aya niya.
Umiling ako. "Kailangan ko na umuwi sa dorm namin eh, kasabay ko mga teammates ko."
"Eh saglit lang naman eh." He said and pout.
Bat ganun? Kapag si Deanna nag-pout ang cute pero kapag siya mukha siyang hayop na mahirap i-describe. Joke!
"Hindi talaga pwede eh."
"Cge next time nalang." He smiled.
"NANDYAN NA SI DEANNA!" Sabay kaming napatingin sa entrance.
Deanna Point of View
Four fifteen ako dumating sa BEG dala ko pa si Charlie. Okay lang naman dalin siya tutal wala naman kaming training ngayon hapon, meeting lang.
"NANDYAN NA SI DEANNA!" Narinig ko agad ang boses ni Ponggay nasa entrance palang ako.
"Wala pa si Coach?" I asked her.
"Wala pa eh, wow dala mo si Charlie cutie." Hinawakan ni Pongs ang ulo nito at hinimas-himas. "Ang cute mo talaga, Charlie."
"Oh Deans, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni ate Bea sakin.
"Eh pina-check up ko si Charlie, ayaw kasi kumain kanina tsaka namumula yung mata." I said and sit on the bleacher.
"Anong sabi nung doctor? Maayos na siya?" Hinawakan din ni ate Bea ito sa ulo.
"Oo maayos na, medyo sad lang si Charlie kaya walang gana kumain. Ganun daw kasi ang isang aso, parang tao nalulungkot din."
"Ikaw kasi eh, ang tagal mo hindi umuwi sa condo mo, alam mo naman na may naghihintay sayo." Ate Maddie said.
"Sorry Charlie." I said to Charlie.
Tumingin ako sa aking paligid. Tang*na! Hanggang dito nandito yang lalaki na yan at kasama pa niya.
"Opps! Mukhang may mababadtrip." Dani said.
"Badtrip na nga eh." Ate Bea said while laughing.
"Guys nagtext sakin si Coach O, five thirty pa daw siya makakarating kasi sobrang traffic." Ate Maddie said and pinuntahan ang creamline team na nasa kabilang bleacher.
"Naku Deans, may karibal kana." Asar ni Ponggay.
Masama ko siyang tiningnan. "Tigilan mo ko, Gaston."
"Pikon mo naman babe." She said.
"Tsk!" I stood. "Ikaw muna bahala kay Charlie, maglalakad muna ako sa campus."
Lumabas ako ng BEG at naglakad hanggang sa makarating ako sa football field.
Jema Point of View
Nakita ko si Deanna gusto ko sana ito kausapin kaso si Vic naman daldal nang daldal, nakakahiya naman kung iiwan ko siya mag-isa.
Bakit kasi ang tagal dumating nung kaibigan niya eh. "Nga pala Jema gusto ka ma-meet ng parents ko, pwede ba tayo pumunta samin sa linggo?"
"Bakit naman gusto ako ma-meet ng parents mo?"
"Nabanggit kita kasi sa kanila and gusto ka daw nila makilala."
"Masyado akong busy eh, sasusunod nalang."
"Lagi naman eh." He pout.
Shit! Mukha talaga siyang hayop na hindi ma-describe. "Sorry tsaka magagalit kasi si Deanna."
Biglang kumunot ang noo niya. "Sinong Deanna? Yung sumuntok sakin?"
"Uhm . . Sorry sa nagawa niya."
She grabbed my hand. "Siya ang dapat mag-sorry, hindi ikaw. Nga pala siya si Deanna Wong diba?"
"Yeah, nakita mo siya kanina?"
"Yeah, kung makatingin sakin parang walang ginawa siya sakin. Hindi man lang ba siya magso-sorry?"
"Hindi ko alam." I said.
Maya't-maya dumating na ulit si Deanna, kasama niya si Pauline. "Guys nood tayo, maglalaban si Deanna tsaka Pau."
"Nang ano ate?" I asked to ate Mel.
"Taekwondo, taray ng jowa mo madaming kaya na sports." Ate Michele said.
"Jowa?" Napatingin kami kay Vic.
"Ah . . . Vic kasi si Deanna ay girlfriend ni Jema." Ate Ly said.
Pinanlakihan ko ng mata si ate Ly pero tumawa lang ito, tumawa din yung iba habang si Vic ay parang umasim ang mukha.
Deanna Point of View
Habang naglalakad ako kanina sa football field, nakasalubong ko si Pau. Niyaya niya ako maglaro kaya pumayag ako pero may pustahan.
"Magkano pusta mo?" I asked her habang nilalatag yung matts.
"Five thousand."
"Game." I said and smiled.
Magsasaya muna ako para makalimutan ko yung sakit na dinudulot sakin ni Jema.
Marami din kasi akong nilaro na sports dati, dati akong taekwondo player nung elementary tapos naging basketball nung high school then napadpad nga ako sa volleyball.
Madami din akong alam na martial arts dahil sa pamilyang chinese required na mag-aral ng martial arts dahil nga puro away sa china.
"Magpalit kana, Deans." Pongs said. Isa din yan si Ponggay, marunong din yan mag taekwondo. "Ako referee niyo."
Bago ako pumunta ulit dito sa BEG ay kinuha ko na yung dobok ko at mouth guard sa locker ko. Yung mga gamit na hindi ko masyado ginagamit tinatambak ko sa locker.
Habang kinakabitan ako ni Ponggay ng gears, tumingin ako kay Jema. Nakita ko itong nakatingin sakin kaya mabilis ako nag-iwas.
"Pusta ko." Binigay ko kay ate Bea ang five thousand.
Siya yung tiga-hawak namin ng pera, siya rin yung tiga score tutal marunong din naman siya mag taekwondo kaya alam niya na yun.
•••••••••••••••••••••••••