Third Person Point of View
Tumahimik ang buong paligid nang magsimula ang laro, unang sumipa si Pauline at mabilis naman umiwas si Deanna.
Nag-slide back si Deanna sabay 45 kick, tumunog ang armor. It means naka-score si Deans.
"Go Pauline!" Ponggay shouted.
Axe kick dapat si Deanna but umurong si Pau at hindi inabot ng paa ni Deans. Nakaramdam ng sakit si Deanna sa binti dahil nakalimutan siya mag-stretching.
Ngumisi si Pau bago sumipa patalikod, alam ni Deans sisipa siya kaya naman mabilis si Deanna nag-slide back sabay push kick kay Pau.
Hanggang third set ang laro at ngayon ay third set na, nanalo si Pau sa secondo set, si Deans nanalo sa first set.
"Ate Deans galingan mo." Bulong ni Aya kay Deanna
Tumango si Deanna and ngumiti. Bumalik na ulit sa matts si Deanna and ganun din si Pauline. "Kaya pa?"
"Yabang mo, porket nakuha mo yung second set." Deanna said to Pauline.
"Hahaha!"
Matagal bago may naganap na sipaan sa kanilang dalawa, si Pau ulit ang una sumipa pero mabilis si Deanna dumikit sa kanya sabay in out kick.
"WHOOO! GO DEANNA!" Ate Jia shouted.
Lumayo si Deanna dito nakita niyang pumutok ang labi ni Pau, natamaan ni Deanna hindi sadya. Nag-thumbs up si Pau ibig sabihin okay lang siya, tuloy ang laro.
Sa kabilang dako salita nang salita si Vic kay Jema pero si Jema ay naka-focus sa galaw ni Deanna.
"Ang galing ng baby ko." Sabi ni Jema sa isipan niya.
"Jema nakikinig ka ba?"
Natauhan si Jema nang medyo lumakas ang boses ni Vic. "Ano yun?"
"Sabi na nga ba hindi ka nakikinig sa sinasabi ko eh." He said.
"Sorry, nanonood kasi ako."
"Tsk! Wag muna panoorin yan, hindi naman maganda yung laro."
"Maganda kaya." Jema said.
Tumayo si Vic. "Cge aalis na ko, see you again." Akmang hahalik si Vic sa pisngi ni Jema pero biglang may tumama na bote sa likod ni Vic. "Sino yun?"
"Sorry Vic, hindi ko sinasadya." Sabi ni Jia sabay peace.
"Okay lang, cge aalis na ko." Paalam nito at pinuntahan na si Ron na nasa entrance ng BEG.
Deanna Point of View
"Congratulation, Wong." Binigay sakin ni ate Bea ang pera.
"Galing ni Deanna, natalo yung kasali sa national taekwondo team." Ate Kim said.
Nilapitan ko si Pauline na kasalukuyan tinatanggalan ni Ponggay ng armor. "Pau."
"Congrats Deans, ang galing mo pa din kahit ang tagal mo na huminto sa paglalaro." She said.
"Hindi ah."
"Sus humble." Pongs said.
"Okay ka lang ba?" Pau asked me.
"Yeah, medyo masakit lang yung binti ko kasi hindi ako nakapag-stretching tapos tinamaan mo pa yung tuhod ko."
"Okay lang yan, tie lang tayo. Sinipa mo ko sa mukha."
"Part ng game yun." I said and smiled.
Pinuntahan ko sila ate Mads na nakaupo sa bleacher. "Deans may sugat ka sa labi."
"Wala 'to, bukas magaling na din 'to." I said and uminom ng gatorade na inabot sakin ni ate Kat.
Pinasok ko yung pera ko sa wallet. "Deans laro tayo."
"Baka dumating na si Coach O." I said to Ponggay.
"Maaga pa, wala pang five oh." She said.
"Game, wait lang." Tumingin ako kay ate Kim. "Ate pahawak muna nung wallet ko." Binigay ko ang aking wallet at nilapitan si Ponggay
"Ako mag-score sa inyo." Pauline said.
Nagkabit ulit ako ng armor tsaka arm guard and shin guard, nagsuot din ako ng head gear tas mouth guard.
Jema Point of View
"Galing ng girlfriend mo." Risa said.
"Magaling talaga si Deanna, bata palang kasi si Deanna mahilig na siya sa sports. Iba't-ibang sports ang pinasok niya nung elementary siya tsaka high school." Ate Jia said.
"Nakakabilib, yung national taekwondo team natalo niya." I said habang nakatingin kay Deanna.
Lumapit samin sila ate Ly. "Guys maglalaro ulit sila, si Pongs naman tsaka Deanna. Doon tayo maupo kila Maddie."
Hinatak ako ni Risa patungo dun kila Maddie. "Hi Jema."
"Hi Mads." Bati ko pabalik sa kanya.
"Nakita mo yung laro ng girlfriend mo? Ang galing niya noh?"
"Yeah, sobra." I said.
"Proud ka?" Tanong naman ni Kim.
"Of course, sino ba hindi magiging proud? Kung ang jowa mo ay si Deanna."
"Sweet, sana lahat." Kim said.
"Kawawa walang jowa." Asar ni Cacee kay Kim.
Natawa naman ako. "Mag kapatid kayo diba?"
"Yeah." She looked at Cacee. "Ikaw epal ka talaga." Nanggigil niyang sabi sa kanyang kapatid.
Bigla ko tuloy naalala si ate Jovi at Mafe, ganito kami mag-asaran.
Nang matapos ang laro ay pinapwesto kami ni ate Ly, naupo kami sa sahig pabilog.
"Bakit Ly? May sasabihin ka samin?" Tanong ni ate Jia.
Wala na si Pauline umalis na pagtapos nung laro dala-dala yung mga gamit at matts.
Deanna Point of View
Pinaupo kami ni ate Ly sa sahig pabilog. "Bakit Ly? May sasabihin ka samin?" Ate Jia asked.
"Magbibigay tayo ng tips para sa lady eagles, para makuha nila yung goal nilang lahat." Ate Ly said.
"Ah . ." Sabay tango ko.
"Pero mag-kwentuhan muna tayo kung anong nangyayari sa academic niyo." Ate Ly said.
"Oo nga pala, kamusta mga grades niyo? Maayos ba?" Ate Jia asked.
"Opo." Sagot ni Cacee.
"Kayo rookies?" Tanong ni ate Coleen.
"Maayos naman po." Sagot ni Vanie.
"Good. Pumapasok ba kayong lahat sa class niyo? Baka pala absent kayo ah." Ate Mel said.
Napatingin ako kay Jema bigla akong nawala sa mood. Naman oh! Kanina okay na eh, bakit kasi tiningnan ko pa siya eh?
"Oo pumapasok kaming lahat." Sagot ni ate Kim.
"Anong pumapasok tayong lahat? Eh hindi nga pumapasok si Deanna sa class niya eh." Pongs said.
Napatingin silang lahat sakin.
"Oo nga, Deans. Hindi ka pumapasok pansin ko, lagi ka din umaalis." Jules said.
Tahimik lang ako. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni ate Jia kaya tumungo ako.
"Bakit hindi ko alam 'to?" Rinig kong tanong ni Captain.
"Two days ng hindi pumapasok si Deanna sa class." Pongs said.
"Deanna totoo ba yun?" Ate Maddie asked.
Nanatili lang ako nakayuko at hindi umiimik. "Guys ako na ang kakausap sa kanya." Nag-angat ako ng tingin. "Sumunod ka sakin, Deanna."
Tumayo ako at sinundan si ate Jia, huminto ito nang makarating kami sa labas at hinarap ako.
"Ate."
"Bakit hindi ka pumapasok sa class mo?"
"Hindi ko alam." Mahina kong sabi sabay tungo.
"Tumingin ka sakin, Deanna. Wala ako sa lapag para dyan ka tumingin." Nag-angat ako ng tingin. "Nagrerebelde ka ba?"
"H-hindi ate."
"Anong dahilan bakit hindi ka pumapasok sa klase mo?"
"I need to relax." I said.
"Deanna dahil sa ginagawa mo pwede ka matanggal sa team. So tell me, anong problema? Alam ko may malaki kang problema."
Naiiyak na ko at pakiramdam ko anytime tutulo na ang aking luha. "A-ate h-hindi ko n-na kasi alam." Tuluyan na nga tumulo ang aking luha.
"Anong hindi alam?"
"Ate h-hindi ko na k-kasi alam kung a-anong gagawin ko sa r-relasyon namin n-ni Jema." I said while crying.
She hugged me. "Nakita mo ba sila?"
"O-oo ate——s-sobrang sakit."
"Shh . ." Hinagod-hagod nito ang aking likod.
Jia Point of View
Kakawa naman itong bata na'to, gusto ko sana siya pagalitan dahil hindi siya pumapasok pero naaawa ako kasi naguguluhan na din siya sa relasyon nila ni Jema.
Bakit ba kasi dumating pa si Vic? Kung hindi dumating si Vic, edi sana ayos na si Jema tsaka Deanna.
"Anong problema ni Deanna?" Tanong ni Alyssa.
Kakauwi lang namin dito sa dorm. "Eh nakita niya pala yung si Jema at Vic na kumakain sa UPTC."
"Oh tapos?"
"Akala niya meron relasyon si Jema tsaka Vic, eh si Deanna kasi matago yan eh. Hindi yan showy, hindi niya sinasabi o pinapakita yung nararamdaman niya. Sinasarili niya."
"Ah . . So nagrerebelde siya?"
"Parang ganun na nga pero sabi niya gusto niya lang makapag-relax."
"Eh anong sabi nung pinagsabihan mo?" Ly asked.
"Eh sabi niya papasok na daw siya, sinabi ko din kila Bea yung problema niya para hindi na siya pagalitan ni Bei."
"Hay, dumating lang yan si Vic nagulo na silang dalawa ni Jema. Hindi ko sinisisi si Vic pero parang ganun na nga." She laughed.
Binatukan ko ito. "Puro ka kalokohan."
Deanna Point of View
"Deanna?" Lumingon ako. "Anong ginagawa mo pa dito sa labas?" Captain asked.
I smiled. "Nagpapahangin lang."
Tumabi ito sakin. "Okay ka lang ba? Iniisip mo ba siya?" Tumango ako. "Hahaha! Bakit ko pa nga ba tinatanong? Eh kitang-kita naman sa mukha mo."
"Ate Bea pwede ba humingi ng advice? Tutal nakaranas kana ng ganitong sakit, iba nga lang yung sitwasyon."
"Sure." She smiled.
"Ano bang dapat ko gawin? Naguguluhan na ko eh."
"Kay Jema or kay Vic?"
"Kay Jema."
"Hm . . Dapat mo siyang kausapin, dapat maging malinaw sayo ang lahat. Dapat niyo maayos yung problema niyo kasi sayang naman kung hahantong kayo sa hiwalayan. Ayoko maramdaman mo yung sakit na naramdaman ko nung iniwan ako ni ate Jho mo."
"You mean kailangan ko maayos yung amin agad?"
"Yeah, wag mo patagalin. Tandaan mo yung mga karibal mo nasa gilid lang, nakaabang kay Jema." I nodded. "Pag nagka-ayos na kayo, bantayan mo siya. Protektahan mo siya, walang masama sa pagiging possessive Deanna." She stood. "Tandaan mo sinusubukan lang kayo ng tadhana, ganun din kami ni Jho kaso sumuko siya." Umalis na ito.
Tama si Cap. Dapat bantayan ko si Jema, dapat hindi siya maagaw sakin. Tama rin siya sinusubukan lang kami ng tadhana, kailangan lang namin mag-stay at lumaban para hindi kami humantong sa hiwalayan.
Jema Point of View
Malungkot ako habang nakatingin sa bintana ng kwarto namin. Hindi ko alam na may problema si Deanna, dapat ako nag-comfort sa kanya kanina kaso hindi kami okay.
Feeling ko wala akong karapatan i-comfort si Deanna kanina, nakita ko siya kung paano umiyak sa harap ni ate Jia, hindi ko lang narinig yung pag-uusap nila.
"Sad?"
Napatingin ako sa aking gilid. "Bakit nandito ka agad? Tapos kana kumain?"
"Yeah. Ikaw? Bakit hindi ka kumain?" Risa asked.
"Wala akong gana." Umupo ako sa kama.
"Dahil ba sa nakita mo kanina at nalaman mo?" She asked and sit on my side.
"Yeah. Dapat ako ang nag-comfort sa kanya kanina kaso feeling ko parang wala akong karapatan kaya hinayaan ko nalang si ate Jia."
"Hay na ko Jema, pinapahirapan niyo lang mga sarili niyo. Mabuti pa mag-usap na kayo para magkaayos na kayo, para malaman muna din kung anong balak ni Deanna sa relasyon niyo."
Naiiyak ako sa tuwing naiisip ko na baka makipag-break siya sakin dahil sa nakita niya kanina na kasama ko si Vic.
"Ris sa tingin mo may balak siya makipag-break sakin?" Naiiyak kong tanong.
"Jema hindi ko masasagot yan tanong mo pero sa nakikita ko kay Deanna kanina, sa tingin ko wala siyang balak ka iwan. Nakikita ko sa mga mata niya kanina na gusto ka niyang hatakin mula kay Vic."
"Talaga?"
She nodded. "Yes, kitang-kita ko kung paano magselos si Deanna habang magkatabi kayo ni Vic."
"Risa sa tingin mo tama ba na maging malapit ako kay Vic?" I asked.
"Para sakin hindi lalo na't alam kong mag-aaway kami ng jowa ko. Isipin mo dati ikaw nagselos kay Ricci nilayuan niya, tapos ikaw yung pinagseselosan niya lalo mo pa nilalapitan. Ang unfair nun para sa kanya."
Oo nga noh. Ang tanga ko talaga pag dating sa pag-ibig. "Salamat sa sinabi mo, mabuti nalang natauhan na ko."
"Hindi ko sinasabi na layuan muna si Vic pero gusto ko lang sana malaman mo na may girlfriend kana at pinagseselosan siya ng girlfriend mo." She said and tap my shoulder. "Cge lalabas na ko. Sana magka-ayos na kayo ni Deanna, goodluck sa inyo."
Lumabas na ito at naiwan ako mag-isa. Hay! Bakit nga ba hindi ko naisip yun? Kung hindi pa ko pagsasabihan ni Risa, hindi pa ko magigising sa katotohanan.
•••••••••••••••••••••••••