CHAPTER 12

1968 Words
Deanna Point of View Habang inaayos ko yung net para sa training, tinawag ako ni Coach O. "Bakit po?" "Uhm . . Deanna nakikiusap sakin si sr. Laon na ikaw muna ang magbantay sa mga student niya. Saglit lang naman tsaka mga high school students naman yun." "Sure coach." I smiled. "Maupo kana, maya-maya darating na dito yung mga bata." Si ate Bea na ang nagpatuloy sa pag-ayos ng net. "Hindi ka magtra-training, Deans?" "Mag training kaso late, babantayan ko yung mga student ni sr. Laon eh." I said to Pongs. "Deanna!" Someone called me. Nilapitan ko ito. "Sr. Laon." "Nasabi na ba sayo ni coach O?" He asked while smiling. "Yes po. Ako na po bahala sa kanila." "Sasamahan ka ni Trina mag bantay sa mga bata, hintayin mo nalang siya dito. Cge aalis na ko." Tumingin ito sa mga high school students. "Guys behave, si ate Deanna at ate Trina niyo ang magbabantay sa inyo." "Yes sr. Laon!" Sabay-sabay nilang sabi. Nginitian muna ako ni sr. Laon bago umalis sa aming harapan. "Guys upo kayo." Pinaupo ko sila sa lapag, malinis naman yung floor ng BEG eh. Sa bandang dulo kami malayo sa mga ka teammates ko. Makalipas ang ilang minuto dumating na din si Trina Guytingco. "Hey Deans." She tap my shoulder and sit on my side. "Sabi ni sr. Laon maglalaro daw tayo, P.E daw nila ngayon." "Anong sports?" I asked. "Basketball nalang." "Cge ikaw magturo, panonoorin ko lang kayo." I looked at the students. "Girls and boys magpalit na kayo ng P.E uniform, maglalaro kayo ng basketball." "Yes ms. Deans and ms. Trina!" Isa-isa silang nag-alisan para pumunta sa shower room at magpalit ng P.E uniform, mabilis din silang bumalik. Tumayo si Trina at pinaghiwalay ang pila ng babae sa lalaki. "Deans ikaw kaya sa boys." "Hm . . Kaya muna yan." I said. Napatingin ako sa entrance ng BEG kung saan isa-isa dumadating ang mga CCS players. Huling dumating si Jema, kasabay si Celine. Siya yung new player ng CCS, bestfriend ko yan si Ced. "Uy si girlfriend oh." Trina said. I stood. "Lalapitan ko lang sila, dyan ka muna." Lumakad na ko papunta sa kinauupuan nila Jema. "Uy wag mo ko iwanan dito!" Hindi ko pinansin ang sigaw ni Trina at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Hi boss mapagmahal." Ced greeted me. "Hi." I kissed Jema on the cheek. "Hi baby." "Hindi ka magtra-training?" "Mamaya pa, nakiusap si sr. Laon sakin na bantayan muna yung mga students niya." "Ah okay." I sat on the bleacher. "Nag-meryenda ka na?" She asked me. "Yeah, ikaw? Baka gutom ka?" "Hindi, nag-meryenda kami sa dorm bago umalis." She said. "Ako Deanna gutom ako." Ced said. "Anong gagawin ko?" "Ibili mo ko." She pout. "Ano ka chiks? Utusan mo si Tots wag ako." Inirapan ko siya. Jema laughed. "Damot mo! Parang hindi mo ko friend." I stood. "Bestfriend tayo pero hindi kita susundin." I tap her shoulder. "Balikan ko na sila Trina." Hinalikan ko muna sa cheek si Jema bago naglakad palayo. Binalikan ko na si Trina na kasalukuyan nagtuturo sa mga bata ng basketball. Jema Point of View Bumalik na si Deanna sa dulo kung saan may babaeng nagtuturo ng basketball sa mga estudyante. "Sino yung babae? Ang cute?" Ced asked me. "Si Trina yun, basketball player." I looked at her. "May Tots kana tsaka straight yan." "Ito naman, parang tinanong lang eh." She pout. I stood. "Tara na nga, magsimula na tayo." Tinawag ko na ang ibang lady eagles tsaka teammates ko para makapag-simula na kami. "Daming agila dito, nakakatakot." "Uy natatakot sa inyo si Ced." I said to lady eagles. "Hahahah! Mabait kami, Celine." Bea said. "Weh? Mukhang hindi." Asar ni Ced. Sumimangot naman si BDL. "Mabait kaya ako, bully nga lang." "Hindi halata, Bea." Naki-asar na din si ate Jia. "Guys tigilan niyo yan, focus tayo sa training." Cap Ly said. "Uy focus daw!" Ate Michele shouted. So ayun nag-focus nga kami, maya't-maya nagpa-water break na si Coach Ed, nag-water break din yung ALE. Malapit kami naka-pwesto kung saan nagtuturo sila Deanna. "Hi guys!" Napatingin kami sa nagsalita. "Hi ate Frannie." Jaja said. She looked at me. "Hi Jema, nandito ka pala." "Syempre part siya ng team creamline." Maddie said. "Talaga? Hindi ako nainform." She said sabay irap. "Hindi ka kasi interesado sakin." "Dapat lang noh! Kahit kailan hindi ako magiging interesado sa katulad mong dukha!" Mabuti nalang lumabas saglit si Coach O nang BEG. "Anong sabi mo kay Jema?!" Nanggigigil na tanong ni Ced. Napatayo ako dahil sa sinabi nito. "Ako dukha?" Sabay turo sa aking sarili. "Oo dukha ako pero may respeto ako sa kapwa ko." Akmang lalapitan ko ito nang biglang may nag-back hug sakin. "Stop it." "Aba't lalaban ka ha!" Sigaw ni Frannie at akmang susugod din pero mabilis siyang hinawakan ni ate Mel at ate Michele sa magkabila niyang braso. "Let me go!" Binitawan naman siya nila ate, sumubok ulit ito lumapit pero may yumakap sa kanya. Si . . . . Trina. "Hey stop it. Nakakahiya ka." Trina said to her. "Siya ang nakakahiya! Hindi siya bagay dito, dukha siya." Galit na sabi ni Frannie. Nasaktan na naman ako, nangingiligid ang aking luha dahil sa sinabi nito. "Shut up Frannie! Hindi maganda ang lumalabas sa iyong bibig." Deanna said. "Bakit Deanna? Bakit siya pa? Pwede naman ako ah?!" Masama ang pinupukol na tingin sakin ni Frannie pero hindi ako magpapatalo, kailangan ko maging matapang lalo na't nasa harap kami ng ibang tao. "Wala ka na dun kung si Jema ang pinili ko! Tanggapin mo nalang na hindi naging tayo at kahit kelan hindi kita magugustuhan dahil sa ugali mo." Inis na sabi Deanna pero nakayakap pa rin sakin. "Girls tama na. Ayan na si coach O." Saway ni ate Ly. Binitawan naman nung si Trina si Frannie, inirapan muna ako nito bago tuluyan umalis sa aming harap. Pinaharap ako ni Deanna sa kanya at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry." She said. Natapos na ang aming training at badtrip pa rin ako. Paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan yung sinabi sakin ni Frannie, hanggang ngayon nasasaktan pa din ako. "Jema!" Lumingon ako sa taong tumawag sakin. "Sino ka?" "Alam ko kilala mo ko." She said. "Oh tapos?" "Pinapasabi ni Deanna na hintayin mo siya sa kotse niya." "Bakit?" Kunot noong tanong ko. "I don't know." Umalis na ito sa aking harapan. "Jema hindi ka sasabay sakin?" Ate Jia asked. "Hindi na ate, mauna ka na." "Cge, ingat ka." Bumeso ito sakin bago umalis. Pumunta ako sa gilid ng kotse ni Deanna, sumandal ako at pinikit ang aking mata. "Hi." I opened my eyes. "Bakit hindi ka pa pumasok?" "Nakalock yung car mo." Biglang umabon kaya naman pumasok agad kami sa kotse. "May sasabihin ka ba?" "Let's talk." She said seriously. "About?" "Frannie." Pinaandar niya na ang kotse. "Not now, pagod ako." "Mamaya nalang, dun muna tayo sa condo ko tapos ihahatid nalang kita mamaya sa dorm niyo." "Wag na, pagod ka na. Magta-taxi nalang ako o kaya grab." I said. Hindi ito nagsalita, naka-focus lang ito sa pagdadrive. "Kumain muna tayo." She said habang nasa loob kami ng elevator. "Wag na, kailangan ko na din umuwi." She looked at me. "Bakit nagmamadali ka ba?" "Wala lang, seven thirty na kasi. Magga-gabi na baka mahirapan ako sumakay." "Dito ka na matulog." "Hindi pwede, may pasok ka bukas tapos may training ka pa. May training din ako bukas ng maaga." I said. She held my hand. "Please." Napatawa naman ako dahil sa mukha nito. "Cge na nga." Nang makarating kami sa unit niya, nagluto agad ako dahil gabi na nga. Pinagluto ko siya ng favorite niyang sinigang na hipon. "Charlie, kamusta ka na? Namiss mo ba ko?" Rinig kong tanong ni Deanna kay Charlie. Iniwan kasi ito ni Deanna, hindi kasi dumating yung nagbabantay kay Charlie kaya mag-isa lang ito sa unit ni Deans. "Baby let's eat na." I said to her. Nilagay ko ang bowl sa lamesa, kumuha na din ako ng dalawang plato tsaka utensils. "Uy ang sarap." Sabi ni Deanna habang tinitikman ang aking niluto. "Pero mas masarap ka pa rin." Napairap naman ako. "Hanggang sa harap ng pagkain, manyak ka pa din." "Hahahah! Totoo naman eh." She said while laughing. "Tsk!" Nang matapos kami kumain, nanood kami sa sala habang nakaupo sa tabi namin si Charlie. "Hindi pa ba tayo mag-uusap?" I asked her habang nakatingin ang aking mata sa TV. "Hm . ." She looked at me kaya napatingin din ako sa kanya. "Sorry ah, wala akong magawa para pigilan si Frannie. Sorry kung nainsulto kana naman niya." She said in a sad voice. Hindi ako nagsalita, nanatili lang akong tahimik. Biglang tumunog ang aking phone kaya't kinuha ko ito sa center table at sinagot ang tawag. "Hello, who's this?" I asked. "Hi Jema." "Why are you calling me?" "Wala lang, namiss kita." He said. "I'm busy, bye." Pinatay ko agad ang tawag. "Sino yun?" Deanna asked. "Si Vic." I hugged her waist. Biglang nagbago ang expression ng mukha nito, naging seryoso. "Tinatawagan ka pa din niya?" "Ngayon nalang ulit." Tumingala ako. "Nagseselos ka noh?" Umiwas ito ng tingin. "Hindi ah." I pinched her cheek. "Cute mo magselos." "I'm not jealous." "Indenial." I pinched her cheek again. Deanna Point of View Past few days walang nagpaparamdam na Vic, maayos naman kami ni Jema tapos ngayon babalik siya. Hay na ko! Kung pwede lang kita patay——Nevermind! Kasalukuyan akong nagce-cellphone habang nakahiga, si Jema ay nasa sala pa. Inaayos niya muna yung tutulugan ni Charlie. "Okay na?" "Yeah." Humiga ito sa tabi ko. "Naghilamos ka na?" "Yup, kanina pa." Nag-alarm ako tapos nilagay ko sa side table ang phone ko. "Let's sleep." "Maaga pa, ten o clock palang." "Maaga tayo gigising bukas." I said. "Oo nga pala, cge matulog ka na." Tumayo muli ito. "Saan ka pupunta?" "Sa balcony, gusto ko magpahangin." Tumungo ito sa balcony. Umayos ako ng higa tsaka nagsimula matulog. Naalipungatan ako bandang two o clock at nasa gilid ko na si Jema, natutulog at nakayakap sakin. "Ang cute." I said to myself. Dahan-dahan akong umalis sa tabi niya, lumabas ako ng kwarto. I checked Charlie, nakita kong natutulog na ito sa bed niya. May sariling bed kasi si Charlie.  I walked into the kitchen and took water. Pagpasok ko ulit sa kwarto, naabutan kong nakaupo na si Jema. "Oh bakit gising ka?" I sit on her side. "Naalipungatan ako, ikaw? Bakit gising ka?" "Eh nauuhaw ako." I said. "Hm . . Let's sleep." Hinila niya ako pahiga kaya naman ang pwesto namin ay nakahiga kaming dalawa pero nakapatong ang aking ulo sa kanyang dibdib. Nagising ako at wala na sa tabi ko si Jema, dumeretso ako sa CR at ginawa ang aking morning rituals. Paglabas ko sa CR tumingin agad ako sa clock, five o clock lang pala. Umalis na kaya siya? Lumabas ako ng kwarto, dumeretso ako sa kitchen kung saan ko nakita ang aking hinahanap. Nakasuot ito ng apron habang nagluluto. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya at nag-back hug. "Good morning." I whispered. "Morning." Nang matapos ito magluto tsaka lang ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya, naupo ako sa dining chair. "Kumain na tayo." "Ano 'to?" I asked her. "Pagkain." She sit on my side. "Hindi ako kumakain niyan." "Masarap yan, madalas yan ang breakfast namin sa dorm." She said. "Ano ba yan?" "Tuyo." "Ayoko, magbre-bread nalang ako." Akmang tatayo ako ng pigilan niya ako. "Sit down, ako na magpapakain sayo." Wala akong nagawa kundi sumunod dito. Sa totoo lang ako ang boss pero siya ang batas kaya no choice ako, pero okay lang naman kasi mahal ko naman siya. ••••••••••••••••••••••••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD