Deanna Point of View
Natapos ang game in three sets, nanalo kami kaya i'm happy! "Coach pwede po ba magpaiwan na ko dito?"
"Sure. Nga pala Deanna good job, ang galing ng ginawa mo kanina." Coach O said.
"Thanks coach."
Naligo ako sa shower room dito sa fil oil, may shower room kasi dito para sa mga players.
"Ate Deans hindi ka sasabay?" Aya asked me.
"Nope. Manonood si Jema, sasamahan ko sila ni Cy manood."
"Sama kami ni Milli ate."
"Cge, paalam kayo kay coach."
Lumapit naman silang dalawa kay coach O. "Deanna ikaw ng bahala sa dalawang 'to ah."
"Yes coach. Ihahatid ko sila sa dorm ng buong-buo."
"Good. Cge aalis na kami." Isa-isa na silang nag-alisan, kami naman ay pinuntahan na sila Jema.
"Lodicakes!" Nakipag-apir ako kay Cy, nakipag-apir din yung dalawa tapos binati si Jema.
"Bakit nandito ka?" Jema asked.
"Sasamahan ka manood."
"Ha? Nagpaalam ka ba sa coach mo?"
"Oo naman." I said.
"Jema punta tayo ng trinoma." Cy said.
"Bakit?"
"Ikot ikot lang tayo, bilis na kasama natin si Deanna tsaka 'tong dalawa." Sabay turo ni Cy sa dalawang rookies.
"Okay boss." Jema said.
"Boss? Ako lang dapat boss mo."
Jema pinch my cheek. "Selosa muna ngayon."
"Uy hindi ah."
"Sus." She poked my cheek.
Nandito na kami ngayon sa trinoma, pagtapos ng game kinausap lang ni Jema sandali yung mga babies niya tapos umalis na kami.
"Uy lovers sasamahan ko lang 'tong dalawa." Cy said.
"Saan?" I asked.
"May bibilin lang sila. Magkita nalang tayo sa ramen restaurant." Cy said tapos umalis na sila.
"Saan tayo?" I asked her.
"Hm . . Bibili ako ng perfume, samahan mo ko." Hinatak ako nito sa perfume store.
"Bakit bibili ka? Eh ang dami mong pabango."
"Eh gusto ko lang." She said habang tumitingin sa mga perfume na naka-display.
"Mabango ka naman kahit wala kang pabango eh. Kahit nga pawis na pawis ka, wala kang amoy." I said to her.
She looked at me. "Lakas mambola ah. May nagawa bang kasalanan?"
I laughed. "Wala, sira!"
"Sus. Yari ka sakin kapag may nalaman ako."
"Saan ako mayayari? Sayo o sa kama?" Mahina kong tanong.
"Bastos mo." Sabay hampas nito sakin.
"Ouch! Mapanakit ka talaga."
"Ang bastos mo kasi." She said sabay irap.
Nang matapos kami bumili ay tumungo na kami sa ramen restaurant. Naupo muna kami at hindi umorder dahil wala pa sila Cy. Nasan ba kasi yung tatlong itlog na yun? Hahahah!
"Hi guys."
"Bakit ngayon lang kayo?" Jame asked.
"Nahirapan kami maghanap nito." Pinakita ni Cy ang kanilang binili.
"Para san yan?" Tanong ko sa kanila. Bumili kasi sila ng t-shirt.
"Wala lang, trip lang namin bumili." Aya said.
"Lakas ng trip niyo ah." Jema said.
"Ako na ang oorder." Cy said and tumungo sa counter.
"Ate Deans may training tayo bukas?" Millicent asked.
"Yeah but hapon pa, sabi ni coach."
"Buti naman, magagawa ko na yung thesis ko." She said.
Maya't-maya bumalik na si Cy, may kasama itong waiter at yung waiter ang may hawak ng inorder niya. Jusmiyo! Ang laki laki ng katawan pero nag-utos pa sa waiter.
Jema Point of View
Habang kumakain kami ay pansin kong patingin-tingin si Deanna sa labas kaya tinapik ko ito.
"Why?"
"Anong tinitingin mo sa labas?"
"Ha? Wala. May nakita kasi akong tao, parang familiar sakin."
"Lalaki o babae?"
"Patay, nagseselos na si mareng Jema." Cy said and laughed.
"Yari ka ate Deans." Aya said.
"Uy kayo tigilan niyo ko. Baby wag mo sila pansinin."
"Tsk." Sabay irap ko.
Nakita kong sinipa ni Deanna si Cy sa paa. "Epal ka talaga lodicakes. Alam mo naman na napaka-selosa nito."
"Sinong selosa?" Pinanlakihan ko ito ng mata.
"Hala, yari." Cy said.
"Hehehe, wala Bb."
"Tsk!" Pinagpatuloy ko na ang aking pagkain.
Nang matapos kami kumain ay umuwi na din kami agad dahil may gagawin pa ako bukas tapos may pasok pa yung tatlo.
"Ate Deans una na kami." Pumasok na yung si Aya at Milli sa dorm, naiwan kaming tatlo sa labas.
"Bb umuwi kana. Cy ingatan mo 'to ah." Bilin niya kay Cy.
"Yes boss."
"Cge na, Bb. Bye." She kissed my cheek.
"Tamis." Cy said pagpasok ko sa loob ng kotse.
"Sira. Tara na nga." I said.
Siya ang nagdrive papunta sa kanila. "Uy Jema mag-ingat ka ah, yari ako kay Wong pag may nangyari sayong masama."
"Oo."
"Call me kapag nagkaron ka ng problema. Okay?"
I nodded. "Yes boss." Pinaandar ko na ang aking kotse pauwi sa dorm namin. After an hour nakarating nadin ako sa dorm namin.
"Kamusta ang date?" Bungad sakin ni ate Pau pagpasok ko sa loob ng kwarto.
"Hindi po kami nag date, kasama namin yung si Milli at Aya, kasama din namin si Cy."
"Sus, wala bang nangyari?" Asar nito.
Bigla naman ako nag-blush nang maalala kung paano ako nadulas dito kanina. "Ate Pau naman!" I pout.
"Hahahah! Ikaw kasi eh, bakit ka umamin?" She asked while laughing.
"Eh nadulas nga ako eh." I sit on my bed.
"Sus, may nangyari nga?" She asked again.
Lalo akong namula nang maalala kung anong nangyari samin ni Deanna sa cr ng condo niya. AHHHH!!
"Anong nangyari?" Tanong ni Risa na kakapasok lang.
"Wala!"
"Oh bakit sumisigaw ka?" Risa asked while laughing.
"Wala." I stood. "Labas muna ako."
Narinig ko pa ang napakalakas na tawa ni ate Pau habang pababa ako ng hagdanan.
ARGHHHH! LANGYA! NAKAKAHIYA TALAGA PROMISE! ?
Deanna Point of View
Maaga akong gumising dahil may early class ako, seven o clock am. "Aga mo aalis ah." Ann said.
"Maaga class ko. Ikaw?"
"Mamaya pa before lunch."
"Cge, mauna na ko." I said.
I tap her shoulder before left. Nilakad ko nalang dahil medyo maaga pa naman. "Deans." Nakasalubong ko si Ron sa edsa walk.
"Oh papasok ka na?"
"Yup. Ano first class mo?"
"Physics." I said.
"Sabay na tayo."
I nodded. Sabay kami tumungo sa building kung saan ang class namin, medyo may pagka-same kami ng subject kaya minsan nagiging classmate ko siya.
"Uy! Ayieee sabay sila!" Pagpasok namin dalawa inasar agad kami ng mga classmate namin sa subject na'to.
"Kayo ang issue niyo." Ron said.
Pumwesto kami sa dulo. "Deanna kayo na ba?" Tanong ni Kyla. Isa sa mga kaklase kong chismosa.
"Nope. Mag kaibigan lang kami."
"Weh?"
"Oo nga. Kung ayaw mo maniwala, wag kana ulit magtatanong." I said and nag-heads down ako.
"Umalis ka na nga dito, Kyla. Ang aga-aga naninira ka ng araw." Rinig kong sabi ni Ron.
"Parang nagtatanong lang eh." Rinig ko naman sabi ni Kyla.
"Chupi! Bumalik ka na ulit sa mga tropa mo, wag ka manggulo dito." Ron said to her.
Nanatili lang akong naka-heads down, umayos lang ako ng upo nang kalabitin ako ni Ron. "Si Prof."
"Good morning class. The lesson for today is about Astronomy." He said.
Buong class ay nag-phone lang ako, hindi ako nakinig sa professor ko. "Galing, perfect ka sa quiz kahit hindi ka naman nakinig."
"Ron nag-advance study kasi ako minsan kapag wala akong magawa or kapag bored talaga ako."
"Kaya pala, manang-mana ka talaga sa ate Nicole mo."
"Yeah, pareho kami mahilig mag-advance study tsaka magbasa ng mga tungkol sa study of earth." I said.
"Hm . . Ako wala akong hilig sa ganyan, kapag nagbabasa ako mabilis ako maboring."
"Iba-iba kasi ang tao."
"Yeah, tama ka." He said.
Nang sa edsa walk na nag-iba na kami ng way pauwi, malayo kasi ang dorm ng boys sa dorm ng girls.
"Oh Deans, tapos na class mo?" Ate Bea asked pag-uwi ko sa dorm.
"Yeah. Ikaw?"
"Papasok pa nga lang ako eh." She said.
"Goodluck, balita ko sa isang classmate mo ate may exam daw kayo."
"Oo nga tapos math pa. Hays!" She stood. "Cge aalis na ako."
"Si ate Kat nasan?"
"Nasa condo niya." Tuluyan na itong umalis.
I looked at Dani. "Dans nasan yung rookies?"
"Nasa mga kwarto nila."
"Tawagin mo, sabihin mo kain tayo sa labas."
Bigla naman itong tumayo. "Treat mo?"
"Yeah."
"YESS!!" Tumakbo ito paakyat.
Maya't-maya bumaba na si Dani kasama ang rookies. Si Jaja, Aya, Sam, Millicent and Jaycel.
"San sila Kiara?" I asked.
"Hindi na daw sasama yung iba, marami daw sila ginagawa." Dani said.
"Uhm . . Okay. Let's go."
May kotse naman si Dani kaya sa kanya sumabay sila Jaja, Sam at Millicent. Sakin naman sumabay sila Jaycel. Trineat ko sila sa mamahaling restaurant dito sa katipunan.
Jema Point of View
Kasalukuyan kong kausap si Deanna sa messenger nang biglang dumating si Ced at ate Rose.
"Hi ate Rose." Bumeso ako dito. "Ced." Bumeso din ako sa kanya. "Bakit nandito kayo?"
"Hindi na ba kami part ng team?" Ced asked and pout.
Si Ced yung bagong player samin tapos si ate Rose naman ay dati ng player sa CCS kaso 2017 lang siya naglaro tapos 2018 hindi siya naglaro tas ngayon bumalik na ulit siya sa team.
"Hehehe, joke lang."
"Saan tayo magtra-training mamaya? Conditioning ba tayo ngayon?" Ate Rose asked.
Biglang bumaba si ate Ly. "Guys sa BEG tayo magtra-training mamayang hapon, sasamahan natin yung mga agila."
"Hi ate Ly." Bati ni Ced.
"Nandito na pala kayo. Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni ate Ly at lumapit para bumeso sa dalawa.
Nandito kami sa dorm, walang training kaninang umaga kaya halos lahat kami ay nasa dorm lang. "Traffic tsaka sinundo ko pa 'to sa UP."
"UP? bakit nasa UP ka Ced?" Ate Mel asked.
"Nandun yung girlfriend niya, si Tots." Ate Rose said.
"Ay wow, totoo pala yun. By the way kelan mo balak lumipat dito sa dorm Rose?" Ate Mel asked.
"By next week siguro."
Si Ced hindi naman pwede lumipat yan dito kasi may UAAP career pa yan, isa pa hindi pa siya graduate tsaka mas focus siya sa UAAP kesa sa parating na PVL.
"Guys samahan akyat muna ako, charge lang ako ng phone." Paalam ko sa kanila at umakyat na.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto naabutan ko si ate Pau na nag-aayos ng gamit niya.
"Nakababa at nakabalik na ko ate Pau, nag-aayos ka pa rin?"
"Eh ang daming damit ko kasing nilaban, inuwi ko kasi dito yung ibang damit ko, unti na nga lang yung damit ko na nasa bahay eh."
"Bakit? Dito kana titira habang buhay?" I asked while laughing.
Naupo ako sa kama at chinarge ang aking phone sa gilid. "Sira! Sayang kasi yung tubig kapag sa bahay pa ko naglaba, hindi katulad dito libre."
"HAHAHAH! Tipid na tipid." I said.
"Ganun talaga, balak kasi namin mamasyal ni Jowa sa ibang bansa next year."
"Wow!"
"Diba kayo din ni Deanna?" She asked.
"Hindi ko alam, baka hindi kasi busy yun lagi. Tsaka wala pang budget para dyan."
"Yaman yaman ni Deanna eh."
Nagkwe-kwentuhan pa kami ni ate Pau, natigil lang ng biglang pumasok si Risa at asarin ako ng asarin.
"Bwiset ka, Risa!" Sigaw ko dito sabay pasok sa CR.
Hilig talaga mang-asar, lagi nalang ako trip.
•••••••••••••••••••••