Onyx's POV "Ano daw ba oras ang dating niya?" Kanina pa tanong ng tanong tong si Ian. Hindi naman siya excited na makita ulit si Ara no? "Tol kalma. Miss na miss lang si Ara?" Pang-aasar ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Nandito nanaman kaming magbabarkada sa Airport. Tae. Pabalik balik na kami dito sa airport. Napapadalas. "Oh ayan na si Ara!" Napatingin kaming lahat sa tinuturo ni Ryca. Si Ara na nakasuot ng Black pants, Black fitted shirt, Black killer heels habang may suot na black sunglasses at dala dala ang color blue na maleta. Galit na galit siya sa black no? Halata niyo? "ARA!!! HERE!!!" Napatakip naman ako sa tenga ko nang marinig ang tili ni Ryca. Kahit kelan talaga ang ingay ng chicks ni Pareng Jero. Hinubad naman ni Ara ang shades niya at napatingin samin. Napa

