Ayen's POV "Oh my ghad. Kapatid mo nga siya, Ayen. She's really pretty." -Ryca. "Hindi ako makapaniwala." -Kaira. "Grabe. Hindi ko inaasahan yun." -Jero. "Matatalino ba talaga ang lahi niyo, Ayen?" -Andrex. "Ayoko parin sa aura ng babaeng yun." -Ara. "Huy Ayen. Magsalita ka naman." -Ian. Kanina pa sila ganyan. Kanina pa nila ako inuusisa tungkol kay Ayesha, pero hindi ako sumasagot. Nananatili lang akong tahimik at hindi ginagalaw ang pagkain ko. "Ayen." Tinignan ko si Clyde na tumawag sakin. "Sobra kang apektado." Wika niya. I just smiled bitterly. Naramdaman ko ang hawak ni Onyx sa kamay ko. "Wifey, Diba sabi ko huwag kang mag-isip ng kung ano tungkol dun?" Kitang kita ko ang pag-aalala kay Onyx. "Natatakot ako." Wika ko sa kanya. "Huwag kang matakot. Ano bang ikinatatakot

