Ryca's POV "Bakit mo ba kami pinatawag dito sa bahay niyo, Ryca Anne Villafuerte-Reyes?" Tanong sakin ni Ayen. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. "Perfect girl! Perfect!" Tuwang tuwa kong sabi dahil sa pangalan na binanggit niya sakin. "So bakit mo nga kami pinatawag dito?" Naiiritang tanong ni Ara. "Kasi Sabado." ^________^V Todo ngiti pa ako sa kanila. "So?" Sabay sabay na sabi nila Kaira, Ara at Ayen. "Wala lang. Hindi na kasi tayo nakakagala eh. Teka nga, nasan si Clyde?" "Hindi daw makakapunta." Sagot ni Onyx sabay upo sa sofa namin. "Di mo man lang ba kami aalukin ng kahit ano?" Tanong niya sakin. Tumingin ako kay Jero na kanina pa tahimik. "Babe? Help me sa kusina, Let's get the meryenda." Masigla kong sabi kay Jero sabay kapit sa braso niya. Tumungo kami sa kusi

