Ayen's POV "Haaaay. Ang boring na. Isa pa ngang action scene jan Ian at Ara." Utos ni Hubby kila Ara at Ian na ngayon ay hindi mo na mapaghiwalay. Pero hindi siya pinansin ng dalawa at patuloy parin sa pag-uusap. Mukhang masyado nilang namiss ang isa't isa. Ang tagal kasing nagtiisan. Napatingin ako sa mga barkada kong masayang nagkukulitan. Napaisip ako bigla. Years from now ganito parin kaya kami? Masaya at buo? "Wifey? Tahimik mo ata?" Tanong sakin ni Hubby. "Eh kasi naisip ko lang years later kaya ganto parin tayo? Masaya? Kumpleto?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sakin at tumingin kila Ian. "Guys. Nagdududa si wifey ko. Iniisip niya kung years later daw ba ay ganito parin tayo?." Nagkatinginan sila tapos ngumiti. "SYEMPRE NAMAN! FRIENDSHIP FOREVER TAYO NO!" Sabay sabay na

