Prologue

419 Words
Prologue IT’S been five years mula nang namatay ang puso ko sa panloloko, panggagamit, at p*******t ng taong pinagkakatiwalaan at minahal ko na si Dale. Nakatatak na sa puso ko ang pangalan na 'yan. Hindi dahil mahal ko pa siya kundi dahil nag-iwan ito ng napakalaking pilat sa puso ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis. Sabi nila, time heals all the wounds. Masyado lang sigurong malalim iyong sugat sa puso ko dahil hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang sakit at ang pangako ko sa sarili na maghihiganti ako. Sa pagkikita namin sisiguraduhin kong magsisisi siya sa lahat ng ginawa niya. Sisiguraduhin kong iiyak siya sa harapan ko. Sisiguraduhin kong masasaktan siya ng todo at sisiguraduhin kong sa pagkakataong 'yon, sa laro ng pag-ibig… ako ang panalo at siya naman ang talo. Napabuntong hininga ako. "Ipapakita ko sa iyo kung ano ang kayang gawin ng isang babaeng nasaktan. Tuturuan kita ng leksyong hinding-hindi mo na gugustuhin pang malaman! Ipaparamdam ko sa iyo lahat ng sakit." In short, I will hurt him ten times what he’d done to me! I will make him suffer! I will make him pay the damages! I will make him love me then, I will leave him hanging. Sasaktan ko siya katulad nang ginawa niyang p*******t sa akin. Lolokohin ko siya katulad nang panloloko niya sa akin. Papaibigin ko siya katulad nang pagpapa-ibig niya sa akin. Gagawin ko ang lahat para makapaghiganti lang. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko 'yon nagagawa. Papatunayan ko sa kanya na ang mga lalaking katulad niya ay dapat masaktan at dapat silang turuan ng leksyon. Naisip ko. Why do we always love to lie? Why do we always say lies to make people around us happy? Why do we always have to lie to make things right according to our plans? And why do we always love to pretend? Why do we always act that we care when we’re not? Why do we always have to pretend just to make people stay? Bakit nga ba? Is it people nature o para lang talaga mapasaya nila ang sarili nila kahit makasakit pa sila ng iba? Hindi ko kasi maintindihan. Hinding-hindi ko mauunawaan ang dahilan niya. Kapag talaga ganitong nag-iisa ako ay bumabalik lahat ng sakit na nararamdaman ko na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa akin. Emo? Hindi naman ako emo, sadyang ma-drama lang talaga ang buhay ko... sadyang masakit. Ako nga pala si Casey Leah Doreen Lee, mataba noon, payat na ngayon. Niloko noon, maghihiganti ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD