Chapter 1

1273 Words
Chapter 1 Casey’s POV “HOY!” “Ay! Anak ng palaka at kabayo!” sigaw ko. Sa gulat ko ay nahulog ako sa kama ko ng pabaligtad. “Ouch!” "Oh, Casey! Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba, ha?" Si Travis iyon na nag-aalalang tinulungan akong makatayo mula sa pagkakahulog ko sa lapag. "Ay, hindi ako nasaktan! Nasarapan ako, lolo! Pakiulit nga 'yang panggugulat mo nang bangasan ko na 'yang mukha mo! Lokong 'to, manggugulat ng walang paalam. Arg!" gigil kong sabi habang hinihimas ang puwetan kong nasaktan. "Aw, sorry naman, bes. Malay ko bang magugulat ka sa akin ng ganyan. At saka may nanggulat ba na taong nagpaalam sa gugulatin niya? Eh, 'di hindi na 'yon nagulat, 'no. Ikaw naman po kasi kung makapagdrama-rama ka sa hapon wagas kung wagas. Tsk!" Umiling-iling pa ito. "So, iniisip mo na naman siya, 'no? Aminin mo na, 'wag ka na mag-deny,” pang-aasar nito na tumabi sa akin sa pag-upo sa kama. "Tse! Tumigil ka nga sa pang-aasar mo riyan. I am tired.” "Iniisip mo na naman kasi siya, ako na lang kaya ang isipin mo. Ano sa palagay mo?” suggestion nito. “Magandang idea iyan.” “Sabi sa iyo, ako na lang, eh.” Napatawa ito sa sarili niyang biro. “Ikaw pa ba ang mawala sa isip ko? Love na love kaya kita, bes!" sabi ko sabay lambing sa kanya. “So, ano nang plano mo? Tuloy pa ba?” Iniiwasan ko na ngang mapunta pa sa akin ang usapan pero heto't napunta pa rin sa akin. "Tsk! Oo na po, tatang tsismoso. Puwede ba 'wag na nating pag-usapan pa. Ayoko na maalala pa siya, past is past. Hindi na dapat 'yon binabalikan pa. Ang dapat doon ay inililibing na sa limot... sa kaila-ilaliman ng lupa," sabi ko. "Eh, hindi po ba, manang emo, ang sabi mo ay maghihiganti ka sa kanya? Paano mo naman gagawin 'yon kung kakalimutan mo na pala ang lahat?" pangungulit nito. "Sabi ko po, tatang makulit, ayokong maalala. Hindi ko sinabing kakalimutan ko. At saka ipinangako ko sa sarili ko 'yon. Kaya itaga mo pa sa bato, sa puno pa o sa tinapay man, gagawin ko 'yon. Maghihiganti ako!" sagot ko. "Paano kung hindi na kayo magkita no'n? Hindi ba't five years na rin simula no'ng maging emo ka—este nang mangyari 'yon? Wala ka nang balita sa kanya kung nasaan man siya o kung ano man ang ginagawa no'n. Baka patay na siya!" sabi nito. "Hindi siya puwedeng mamatay na lang! Hindi puwede 'yon dahil ako ang papatay sa kanya! Gagawin ko ang lahat ng paraan para masaktan siya at mamatay ang puso niya!" "Kung magkikita pa kayo no'n. Paano nga kung hindi mo na siya makita?" kulit nito. "Tse! Pangkontra ka naman kasi, eh. Let the good vibes come in. Pinapalayas mo kaya. Dapat ikaw 'tong lumayas dito. Tsk, think positive lang. Magkikita rin kami no'n. Hindi man ngayon o bukas, basta darating 'yong araw na magkikita kaming muli sa hindi inaasahang pagkakataon. Naniniwala ako roon. Period!” sabi ko na puno ng pag-asa. "Okay, sabi mo. Pero... hindi na talaga kayo magkikita no'n. Haha!" pang-aasar nito at tumawa nang tumawa sabay takbo palabas ng kwarto ko. "Travis Kristoff Delos Reyes! Bumalik ka nga ritong mokong ka!" sigaw ko sa kanya sabay habol ko hanggang sa labas ng bahay. Magkapitbahay lang kami ni Travis, kababata at bestfriend ko siya kaya wala itong pakundangan kung pumasok sa kuwarto ko ng walang katok-katok. Alam na alam na namin ang hilatsa ng mukha ng isa-t-isa. Kulang nan ga lang ay tumira kami sa iisang bahay. "Baliw!" Napaisip na lang ako bigla. Paano nga kung hindi na kami magkita? “Ah, hindi maari!” Napailing ako. “Magkikita kami ulit. Hindi puwedeng hindi.” Alam kong gagawa ang tadhana ng paraan para magbayad siya sa kasalanan niya sa akin at mas maganda kung ako mismo ang gagawa no'n sa kanya. Someday, somewhere, somehow… naniniwala akong magkikita kami ulit ni Dale. --- UNANG araw ko sa trabaho. Tour Guide ako ng Japanese visitors sa company namin. Si Mama lang naman ang nagtataguyod sa akin since birth dahil iniwan na kami ni Papa noong bata pa lang ako. Hindi ko alam ang dahilan. Hindi na rin naman nagkuwento pa si Mama tungkol sa Papa ko kaya hindi na lang din ako nagtanong. Hindi na kinaya ni Mama ang tuition fee ko noon kahit na scholar ako dahil half lang ng tuition ko ang libre. Second-year college ako no'ng naisipan kong tumigil at lumipat na lang ng public school. Kahit na ayoko ay wala na rin naman akong magagawa. Isa pa, ayoko na rin sa school na 'yon dahil sa nangyari sa amin ni Dale. "Casey, anak bumaba ka na rito. Mag-breakfast ka na,” sigaw ni Mama. "Opo, Ma. Mag-aayos lang po ako saglit," sagot ko habang nakaharap sa salamin. Dati wala sa bokabularyo ko ang salitang pag-aayos. Kasi naman ang taba-taba ko noon at alam ko na kahit mag-ayos man ako ay wala namang makakapansin sa akin. Wala namang magsasabi na maganda ako at sexy. Wala namang makaka-appreciate. Ang sagwa namang tingnan kapag nag-ayos pa ako at nagsuot ng sexy na damit. Magmumukha lang ako feelingera. Feelingera nga dahil akala ko ay may tatanggap na sa akin kahit pa para akong elepante. Balyena. Baboy. Salbabida. Damulag. Kung anu-ano pang mga salita ang narinig ko. Nakakalungkot lang kaya naman wala na akong pakialam sa magiging itsura ko. Lalo pa ngang bumaba ang pagtingin ko sa aking sarili nang makilala ko 'yong lalaking minahal ko ng totoo pero nandidiri pala sa akin. "Pre, in-love ka na ba kay Miss Tabachingching? Lagi ko kasi kayo nakikitang magkasama. 'Wag mo sabihing naiba na ang taste mo sa mga babae? Papamisa ako sa buong bansa,” pang-aasar ni Jeff sa kausap niya na si Dale. "Paano ako mai-inlove sa balyenang 'yon? Eh, ang taba no'n, pre! Asa namang patulan ko 'yon. Sexy naman siya, kasing sexy ng refrigerator!" sagot ni Dale na napailing-iling. "Eh, bakit ba lagi mo siyang kasama kung ayaw mo pala sa kanya?" takang tanong nito. "Porket ba laging kasama may pagtingin na agad? Alam mo naman ang laki-laki ng naitutulong sa akin ng balyenang 'yon. Sa assignments, sa projects saka ang sarap niyang lamutakin. May kama ka na may unan ka pa. Kompleto sa rekado, dude!" tawa siya nang tawa. "Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng triple ko ang laki. Nakakadiri!” nakatawang sagot ni Dale. 'Yon mismo ang mga narinig kong sinabi niya. Tandang-tanda ko pa ang bawat salita na binitiwan niya. Sino ba namang tao ang hindi bababa ang tingin sa sarili niya kapag narinig iyon mula sa taong mahal na mahal niya? Imposibleng hindi ka masaktan. Imposibleng hindi ka umiyak. Imposibleng hindi ka magagalit. Alangan namang magtatalon ako sa tuwa. Ginamit. Niloko. Pinaasa. Pinaniwala. Pinag-trip-an. Sapat na ba 'yang dahilan para maghiganti ako sa kanya? Sapat na ba 'yan para gawin ko rin ang ginawa niya sa akin dati? Oo. Gusto ko maghiganti. Gusto ko maramdaman niya lahat ng sakit na naramdaman ko. Gusto ko siyang umiyak sa harapan ko at magmakaawa sa kapatawaran ko. Gusto ko magsisi siya sa lahat nang ginawa niya sa akin. Gusto kong ipamukha sa kanya na maganda rin ako. Hanggang ngayon kasi dala-dala ko pa rin sa sarili ko ang takot sa puso ko na magtiwala at magmahal muli. Ayoko maulit lang ang lahat. Ayokong masaktan. Ayokong umiyak. Ayokong mawala ulit ang tiwala ko sa sarili ko dahil lang sa isang walang kakuwenta-kuwentang lalaki. Sa isang lalaking hindi marunong magpahalaga ng isang tao. Sa isang lalaking manggagamit lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD