CHAPTER 6
Nanginginig ang kamay ko habang natatarantang kumuha ng table napkin sa side table. Everyone’s eyes were on me.
“I-I’m sorry, hindi ko sinasadya,” nahihiyang tugon ko habang pinupunasan ang damit niya nang bigla siyang lumayo sa akin.
“Don’t even dare to touch me,” she raised a brow and was furiously looking at me.
I looked down and bit my lips.
Hindi ko kaya ang nangyayari dahil lahat sila ay nakatingin sa akin at pinagbubulungan ako. Akmang aalis na ako nang biglang lumapit si Kaii at nilapitan si Irine. Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa balikat ni Irine.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tinalikuran nila ako palayo sa kinaroroonan ko habang naiwan akong mag-isa at pinagtitinginan ng mga tao. At bago pa man tumulo ang luha sa mga mata ko ay agad akong tumalikod at akmang tatakbo ako nang nabangga ako sa isang chef na may hawak na ilang layer na cake at agad natapon sa akin.
Parang gusto ko na lang kaninin ng lupa dahil sa kahihiyan na ‘to. Kaii really made me embarrassed tonight. And I don’t know how he even managed to see me like this.
Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, at parang wala akong lakas para tumayo.
“Tumayo ka na diyan, pinagtitinginan ka na,” napalingon ako sa isang boses ng lalaki mula sa likuran ko.
Hindi ko alam kung sino ang isang ‘to pero inabutan niya ako ng panyo at agad akong tinulungan para maka-alis sa lugar na ‘yun.
Kasalukuyan akong nasa Cr habang naghihilamos at tinatanggal ang icing na natapon sa damit ko. Habang ang lalaking tumulong sa akin kanina ay nasa labas pa rin ng Cr.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at tuluyan na sa pag-iyak. Hindi ko na alam paano haharapin si Irine sa school or kahit na sino man. Nakakahiya, at ang sama ng loob ko Kaii.
Hindi ko pa rin talaga matanggap na magagawa niya iyon sa akin.
“Bilisan mo, matagal ka pa ba riyan?” Rinig kong sigaw ng lalaking nagligtas sa akin sa kahihiyan.
Pinunasan ko kagaad ang luha ko at naghilamos pero humihikbi pa rin ako.
Tinitigan ko muna ang sarili ko bago naisipang lumabas.
Pagkalabas ko ay agad naman niya ako inabutan ng isa pang malinis na panyo.
“Thank you,” mahinang sabi ko na kasalukuyang namamalat pa rin ang boses ko.
Nginitian lang niya ako. Mukhang mabait ang isang ‘to. Sa lahat ng mga tao kanina, ni wala man lang tumulong sa akin. Pinagtitinginan lang nila ako at hinayaang naka handusay sa sahig habang puno ng icing ang damit.
Akala ko sa mga palabas at libro lang nangyayari ang mga ganito, hindi ko aaklain na mangyayari sa akin ‘to. Who would have thought na mapapahiya ako? Na gagawin sa akin ni Kaii lahat ng ‘to?
Naglakad kami palabas ng Hotel hanggang sa pumara siya ng taxi at hindi ko na alam kung ano ang nangyari dahil wala ako sa sariling sumakay at isinandal ang ulo sa gilid ng bintana habang hinahayaang tumulo ang luha ko.
Tahimik lang kami, hindi ko siya kilala at hindi dapat ako basta-basta nagtitiwala sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit ako sumunod sa kaniya. Mabuting tao naman siguro siya? Tinulungan niya ako eh.
“Nandito na tayo,” natauhan ako nang bigla siyang nagsalita.
Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa Luneta kami?
“Anong ginagawa natin dito?” Nagtatakang tanong ko nang habang siya ay dumudukot ng pera sa wallet niya.
“Basta, tara na,” nginitian lang niya ako bago siya lumabas sa taxi.
Hindi na ako nagprotesta at lumabas na lang ako at sinundan siya.
“Saan ba tayo pupunta?” Mahinang tanong ko.
Nginitian niya lang ako at hinila sa kung saan.
“Alam ko kung ano ang naramdaman mo kanina. Naranasan ko na rin ‘yun. At dito ako pumupunta palagi kapag nalulungkot ako, o kung may mga bagay na hindi magandang nangyayari.”
His deep voice melted my heart.
Naglakad kami hanggang makarating kami sa dancing fountain.
My eyes were sparkling seeing the dancing fountain glimmer around. Pakiramdam ko ay gumaan ang loob ko.
Pakiramdam ko ay nabawasan kahit kaunti 'yung bigat na naramdaman ko kanina.
Ilang beses pa lang ako nakapunta dito, pero hindi pa ako nakapunta dito ng gabi.
Sinundan ko siya habang mas lumalapit pa sa dancing fountain.
“I hope it lessens your sadness,” he smiled.
“Thank you, I just couldn’t believe that the person whom I trust was the person who’ll betray me,” I said looking down with all the disappointment on my face.
“I know, I’ve been there too,” napalingon ako sa kaniya na diretsyo ang tingin sa fountain.
His eyes were telling something more than what he’s feeling. Mukhang may pinagdadaanan ang isang ‘to.
I took a deep sigh and went closer to him.
“Mayaman ka rin ba kagaya nila?” I asked out of curiosity.
“I couldn’t consider myself as one. Wala na akong magulang. And I’ve been living my whole life alone with the support of my uncle.” Napabuntong hininga siya.
“He gave everything to me. Money, clothes, food, and everything I needed. Pero iba pa rin kapag may tumatayong magulang,” he added.
Mapakla akong napangiti.
“Ako naman, may magulang nga, palagi namang nag-aaway sa harap ko. Mas okay pa nga na hindi umuuwi ang tatay ko. Palagi na lang niyang sinasaktan ang mama ko.”
“You’re still lucky, you have everything,” I tried to cheer him up.
Totoo naman kasi na masuwerte pa rin siya kahit papaano.
Napalingon naman siya sa akin.
“I mean, you have all the money, you can go wherever you want when you’re sad,” I shrugged.
“Ako kasi, kahit gaano ko kagusto itakas si mama sa bahay, kapag nahuli kami ni papa, wala rin. Sasaktan niya lang lalo si mama.”
Kumirot na naman ang dibdib ko habang naalala paano sinasaktan ni papa si Mama. Hindi ko kinakayang nakikitang ganoon si mama.
“You should report it, bakit hinahayaan mo lang?” kunot-noong tanong niya.
“Well, ayaw naman ni mama. Hindi ko nga alam bakit kami nagtitiis eh."
I heavily sighed at the thought that Mama suffered a lot. Nasaksihan ko ang lahat ng iyon.
Ilang minuto kaming natahimik nang maisipan kong magsalita.
“Ano pala ang pangalan mo? Nakapagpasalamat na ba ako sa’yo?” Pilit akong ngimiti dahil bigla na lang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina.
He cleared his throat before finally facing me.
“I’m Kevin, Kevin Fl-“
__
“Hey, wake up, we’re here,” naalimpungatan ako sa tapik sa gilid ko.
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at nakita ko agad ang mukha ni Zach. Nasa kotse kami, sa tapat ng IMC hotel. Agad kong tinignan ang damit ko at inilibot ang paningin ko.
Kunot-noo akong napatingin kay Zach dahil hindi ko alam paano ako nakarating dito.
“Hey, relax,” he smiled.
“The party was just about to start, Kaii was waiting for you in the lobby.”