Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako matapos ng panaginip ko. Todo ang dikit ko kay Zach dahil natatakot akong magkakatotoo ang panaginip ko.
"'Wag na lang kay tayong tumuloy?"
Nagdadalawang isip na tuloy ako.
Napahinto si Zach sa paglalakad at biglang lumingon sa akin.
"Huh? Bakit naman? Nandito na tayo ah?" nagtatakang tanong niya.
Umiling ako at yumuko. Nahihiya na ako lalo ngayong nandito na kami malapit sa entrance nitong Hotel. Nakapila at parami na rin nang parami ang mga dumadating.
"Gusto ko sanang umuwi eh, kinakabahan ako.”
Agad niyang kinuha ang kamay ko ay saka isinuksok sa braso niya at pinasadahan ako ng tingin bago tumingin ng diretkta sa entrance.
“Just be yourself, Kelly.”
Hindi ko alam pero kahit ano pa ang sabihin niya, kinakabahan pa rin ako. Gusto ko na lang tumakbo kaysa magkatotoo lahat ng mga napanaginipan ko.
Nang makapasok na kami sa loob ng hotel, kahit gaano pa kaganda ang paligid ay hindi ko magawang magdiwang o magsaya at i-enjoy ang gabing ‘to dahil sa sobrang kaba ko at hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Parang nahilo ako sa dami ng tao at kumukutitap na ilaw sa loob.
Hindi ko pa rin makita si Kaii.
“Ah, Kelly?” Napalingon ako kay Zach.
“Hanapin ko lang si Kaii ah?”
Napalunok ako nang wala sa oras. Umiling ako para pigilan siya pero hindi na niya ako hinintay na magsalita saka umalis na.
Naiwan akong mag-isa dito kaya umupo na lang ako sa table namin dahil ayoko namang mangyari ‘yung panaginip ko kanina.
Pinaglalaruan ko na lang ang kuko ko habang patuloy pa rin sa pagkabog ng mabilis ang dibdib ko.
Nilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mata ko si Kaii.
He’s wearing a navy blue suit.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya dahil mas lalo siyang gumwapo at malinis tignan. Parang gusto ko na lang siyang iuwi ngayon kung pwede lang eh.
“Parang malalaglag na ‘yang panga mo ah?”
Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses ng babae na parang pamilyar din sa akin.
“Amanda,” mahinang tawag ko sa kaniya nang lingonin ko siya.
She’s wearing a sexy strapless dress paired with an inch heels.
“Umaasa ka talaga na magkakagusto si Kaii sa’yo ‘no?” She raised her brow trying to pissed me off.
“Aamanda, ayoko ng gulo.” Mahinang sabi ko sa kaniya pero nginisihan niya lang ako at hinawi ang buhok niya.
“Look at how Kaii stares at Irine. What a lovely couple!” She complimented them.
I sighed and looked down.
I waved my hand when Kaii finally found me.
Nginitian ko siya at nilapitan. Sinalubong niya ako kaya hindi maalis sa mukha ko ‘yung ngiti. Nakalimutan kong kausap ko pala ‘yung kaibigan ni Irine.
Masyado siguro akong distracted kay Kaii. Nakakinis ang pogi!
“K-kaii,” nahihiyang tawag ko sa kaniya.
Pinasadahan ko lang siya ng tingin sa mata bago yumuko dahil nahihiya ako sa kaniya pero keribells lang kasi ang pogi niya!
“You made it,” he coldly said in front of me.
Tumango lang ako.
“Kumain ka na ba?” He asked.
Umiling ako, kasi kahit hindi ko sabihin ay kumukulo na rin ang sikmura ko.
“Follow me,” he said, full of authority.
Napalunok na lang ako dahil wala na rin akong masabi. Ngumiwi pa ako dahil kakapit sana ako sa braso niya dahil mataas ‘tong heels na pinasuot sa akin kaso lang nauna na siyang naglakad. Nakita kong natawa ‘yung kabigan ni Irine na si Amanda kaya umiwas na lang ako ng tingin at hindi ko na lang siya pinansin.
“Dude!”
Napalingon naman si Kaii nang marinig ang boses nung tropa niya.
“Uy! Pre! Buti nakarating kayo?” Tinanguan si Clyde pati na rin ‘yung iba niyang mga tropa.
“Oo naman ‘no! Ikaw pa b— ooh!”
Napahawak siya sa bibig niya at mukhang hindi makapaniwalang nakita niya ako na katabi si Kaii.
“Dude! Ano ‘to?”
“Wow!”
Yumuko na lang ako. I wanted to defend Kaii para hindi siya mapahiya pero hindi na lang ako nagsalita.
“Siraulo!” Komento ni Kaii at saka umiling.
“Pre, bago ka magpaliwanag, puntahan mo muna ‘yung lola mo! Hinahanap ka na niya kanina pa.”
Pinasadahan ako ng tingin ni Kaii bago niya tinanguan ang mga kaibigan niya at saka tinapik niya muna ang balikat ni Clyde bago umalis. Sumunod lang ako sa likod niya.
Ewan ko ba, pakiramdam ko para akong tuta na nakabuntot kay Kaii pero mas okay na rin ‘to. At least kahit papaano ay nakakasama ko siya.
“Kaii! There you are!” Sabi nung isang babaeng halos nasa 40’s na rin.
“Si Irine? Hindi mo ba siya kasam-“
Naputol ang sasabihin niya nang makita niya ako sa likod ni Kaii.
“Oh, akala ko si Irine,” mapaklang sabi niya na mukhang nadismaya na hindi si Irine ang lumabas.
“Tita! Long time no see!” Nakangiting sambit ni Irine mula sa likuran nila.
She was wearing an elegant dress. May mga detailed pa na gem na bumagay sa hulma ng katawan niya.
“Kaii! D’yan ka lang pala!” Nakangiting sabi ni Irine.
Nakipag beso beso pa siya sa babaeng kaharap namin bago niya tinabihan si Kaii at kumapit sa braso nito.
Bumigat tuloy pakiramdam ko na para bang itsapwera na lang ako dito. Ni-hindi man lang ako pinakilala ni Kaii sa kaharap niya at hindi man lang niya tinanggal ang kamay ni Irine na nakahawak sa braso niya.
I didn’t want to look pathetic here in front of them so I decided to turn my back away from them.
Hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang alam ko lang, palabas na ako at pinipigilan ko ang sarili ko na hindi maiyak dahil wala naman akong karapatan.
Sa bilis ng lakad takbo ko, natapilok pa ako dito sa suot ko na heels kaya tinanggal ko na lang ‘yon at nagpaa. Wala naman nang tao dito sa garden.
Hindi ko alam. Kung allowed ako dito dahil dito ako dinala ng mga paa ko sa garden na ‘to na may fountain pa.
Paika ika akong umupo para hilutin saglit ang paa ko. Hanggang sa naisipan ko na lang na umuwi na lang.
Nandito naman na si Irine, at paniguradong hindi na ako kailangan ni Kaii dito.
Binitbit ko na ang heels ko saka nagpaa habang naglalakad. Palabas na ako nang makita kong hinahabol ni Kaii si Irine sa lobby kaya napahinto ako habang sinusundan ko ng tingin silang dalawa.
Hinila ni Kaii ang braso ni Irine saka hinawakan sa pisngi bago hinalikan. Nabitawan ko ‘yung heels ko at napalingon sa akin si Kaii nang marinig na mahulog iyon.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong kusang tumulo ang luha ko at tuluyang nasaktan ang puso ko sa harap harapan na nakita ko.
Hindi naman ako dapat mag selos dahil hindi naman kami. Wala naman siyang gusto sa akin pero bakit pakiramdam ko ay ang sakit sakit?
“Kelly andyan ka lang pal-“
Pinunasan ko ang luha ko nang nilingon ko si Zach.
Hinila ko ang kamay niya at tumakbo palayo.
“Bakit kailangan pa niya akong imbetahan dito at yayain na maging date niya kung iba rin naman pala ang kasama niya?”