Sobrang sakit ng mga mata ko nang magising ako. Pagkamulat ko, ako naman ngayon ang naka higa sa hospital bed. Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero pinilit kong inalala kung bakit ako nandito. Nilingon ko ang buong paligid pero wala akong ibang nakita. Mag-isa lang ako dito kaya agad akong gumalaw para kumilos at hanapin sina Aling Ruby, Kaii at Kevin. Akmang tatayo na ako nang biglang may pumasok sa pinto kaya napalingon ako doon. Isang nurse ang pumasok hawak ang tray ng mga gamot. “Miss, gising na po pala kayo. Kamusta naman po ang pakiramdam niyo?” tanong niya sa akin habang naglalakad papunta sa gilid ng mesa sa tabi ng kama ko para ilapag ang tray na hawak niya. “A-no po ba ang nangyari? Nasaan ‘yung kasama ko?” mahinang tanong ko. “Nasa kabilang kwarto po ma’am. Kasal

