Matapos ang pag-uusap namin ni Yvez, agad siyang umalis. Hindi ko alam kung sandali lang ba ang pag-uusap namin o tumagal iyon dahil hindi ko na namalayan. Hindi ko na namalayan sa sobrang inis at galit ko dahil sa pag-tatalo namin. “Kelly! May good news ako-teka.. Bakit ka nagliligpit? Hindi pa tayo aalis. Kakasalin lang ng dugo kay Kevin.” Nang lingunin ko si Kaii, agad napawi ang mga ngiti niya nang maabutan niya akong nagliligpit. Agad ko namang pinunasan ang luha ko. “Uuwi na tayo, Kaii.” matipid na sagot ko habang binaling muli sa mga damit ko ang paningin ko. Nasasaktan pa rin ako. Sobrang sakit lang na niloko ako ni Kevin. Ginamit niya lang ako dahil isa ako sa dahilan kung bakit siya gumaling sa sakit niya. Ginamit niya lang ako dahil iyon ang nakakabuti sa kaniya. Hindi

