Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanlalambot na ang buong katawan ko pero heto pa rin ako at hindi nawawalan ng pag-asa. Ngayon ako pinaka kailangan ni Kevin kaya dapat maging matatag ako. “Ah, Kelly?” tawag sa akin ni Aling Ruby. Nakaupo lang ako dito sa labas habang naghihintay. Nilingon ko siya na nakatayo sa harap ko. “Nagugutom ka na ba? May gusto ka bang kainin?” tanong niya sa akin. Kasalukuyan naghihintay sa sagot ko. Namumugto pa rin ang mga mata niya kagaya ko. Wala naman kaming magagawa dahil sa sitwasyon namin pero kailangan naming maging malakas. “Uh, sige po. Kain na lang po muna kayo. Mamaya na lang po siguro ako. Susunod na lang ako para baka po magising na si Kevin may tao po rito.” Nginitian ko siya saka napahinga nang malalim. Iniisip ko kung ano na ang mangayaya

