.Habang papalapit ako sa hospital kung nasaan naka confine si Kevin, mas lalo lang bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko na maintindihan ang magiging reaksyon ko oras na makita ko siya. Hindi ko lang lubos maisip na mangyayari 'to sa amin. Na darating kami sa puntong kailangan pang may masaktan. Sobrang bilis ng lakad ko nang makababa ako mula sa taxi na sinakyan ko. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Kakaibang kaba na para bang may kung anong naghihintay sa akin. “Miss, kay Kevin Flynn po?” kinakabahan na tanong ko sa nurse station habang patuloy pa rin ang pag patak ng luha ko. “Okay po, chcheck ko lang po ang record.” “Pwede ko po bang malaman kung ka-ano ano niyo po ang pasyente?” tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango. “G-girlfriend niya po ako.” sagot ko naman

