4 years later… “Kelly! You still want to do this? Akala ko ba napag-usapan na natin ‘to?” I smirked at him and smiled at him. “Napag usapan na nga natin ‘to. And I already told you that I am not going to sit here and do nothing. Ang tagal ko hinintay ang pagkakataon na ‘to, Migo. Ngayon pa ba ako susuko?” It’s been three years simula nang malaman kong niloko ako ni Kaii at ng magulang ko. Na wala na pala si Kianna. Tatlong taon na din ang nakalipas ng muntik ko na rin wakasan ang buhay ko. Kung hindi lang dahil kay Migo, hindi ako magpapatuloy. Isa siya sa mga doktor na tumulong sa akin noong nawalan ako ng malay noon sa Hospital. Hindi ko alam ang gagawin ko nun at gusto ko na lang mamatay. “Wala kang mararating sa mga paghihiganti mo, Kelly. Hindi ka pa ba okay kay Enzo?”

