“Kai!!!” Sigaw ko na halos mawalan na ako ng boses at maputol ang ugat ko sa leeg nang makita kong isang sasakyan ang bumundol kay Kaii. Mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya at saka nanginginig habang umiiyak nang makita siyang naka handusay sa daan. “Tulong! Tulong!” “Kaii!” sigaw ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinaktan ako ng Papa ko. Nawalan na ako ng anak. Niloko ako ng pamilya ko, at hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na pati si Kaii ay mawala sa akin. Iniisip ko pa lang na bumuo ng pamilya kasama siya. Iniisip ko pa lang ‘yung pakiramdam na sa wakas ay magkakasama na kami at lalayo na sa lugar na ‘to pero bakit parang pilit kaming pinaglalayo ng tadhana? Bakit palagi na lang sa tuwing makakamit ko na ang gusto ko, ang bagay na magpapasaya sa aki

