Agad akong umakyat sa kwarto pagkatapos ng mahabang sagutan namin nila Mama at Daddy. Sobrang nasaktan ako sa mga nangyari at hindi ko na alam ang gagawin ko. Ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko at nag kulong. Binaon ko ang mukha ko sa mga unan saka humagulgol. Wala nang mas sasakit pa sa ina na nawalan ng anak. Ni hindi ko man lang nasilayan ang mukha niya. Hindi ko man nakita kung paano siya lumaki at hindi ko man lang siya narinig na tawagin niya akong Mommy. Sana nga talaga ay panaginip na lang ang lahat ng ‘to. Gulong gulo ang isip ko ngayon, wala akong makausap at hindi ko rin naman mapuntahan si Aila. Sinubukan kong tawagan si Kaii pero hindi sumasagot dahil malamang ay nasa flight iyon pabalik dito sa Manila. Para akong nababaliw. Paulit ulit kong naririnig sa tainga ko ang s

