Nanginginig ang buong katawan ko sa galit at inis. “Totoo ba ma?” mahinang tanong ko habang patuloy pa rin sa pag tulo ang luha ko. Natigilan silang dalawa at napalingon sa direksyon ko habang tinitignan nila ako at hindi makapaniwalang nalaman ko na ang totoo. “K-kelly… anak-” “Totoo ba Ma?” madiin na tanong ko habang naka yuko at nakakuyom ang kamao ko dahil hindi ko naman gustong magwala hanggang hindi ko pa talaga na kumpirma ang buong katotohanan. “Magpapaliwanag kami ng Dadd-” “So totoo nga?” I smirked at her and yelled at her. Buong buhay ko, ang taas ng tingin ko kay Mama. Tinitingala ko siya kasi gusto kong maging kagaya niya. Na maalalahanin, masipag, matyaga, mapagmahal at higit sa lahat gagawin ang lahat para sa kaniyang anak. Na kahit sinasaktan na siya noon ni Pap

