Halos wala akong tulog kaka-aral ko dahil long quiz na naman at ilang araw na lang ay finals na namin. Hindi ako makapag-aral nang maayos sa bahay dahil naririnig ko ang sigawan nila Mama at papa. “Kelly!” Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Kaii na tumatakbo papunta sa akin. “Oh, Kaii! A-anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabado ngayon?” Nagtatakang tanong ko. Palabas na kasi ako sa gate ng school dahil nagpasa lang naman ako ng project. “Ilang araw na tayong hindi nagkikita gaano, I mean kung kailan ka bakante saka naman ako hindi free. So I decided to asked Aila kung nasaan ka.” Tumango lang ako habang inaayos ‘yung bag ko. “Wala ba kayong practice?” Tanong ko sa kaniya habang nakita kong pinaglalaruan niya ‘yung susi ng motor niya. Umiling lang siya at maya maya pa ay

