“Ma’am, sorry po talaga. Babawi po ako! Promise po!” Paki-usap ko dahil hindi ko natapos ‘yung isa kong project. Natambakan na din kasi ako dahil sa dami ng pinapagawa at tinutulungan ko pa si Kaii sa mga gagawin niya. Umiling si Mrs. Aleje nang marinig akong nakiki-usap na payagan niyang mag-pasa at humabol. “I am so disappointed with you, Ms. Vega. Ano bang nangyayari sa’yo? Wala ka na sa focus hindi ka naman ganiyan dati?” Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Mrs. Aleje. Kitang kita sa mukha niya ang dismaya at walang gana habang inaayos ang folder sa lamesa niya. “Ma’am sige naman na po oh? Kahit may minus po okay lang. Payagan niyo lang po akong mag-pasa ma’am sige na po,” paki-usap ko. Pinipigilan ko na lang ang luha ko na tumulo dahil alam kong magagalit lalo si m

