Ilang araw kaming halos patago na nag-aaral ni Kaii. Nakakatuwa lang na medyo naging okay naman ang naging takbo ng araw ko. Maaga akong umaalis ng bahay dahil sinusundo ako ni Kaii pero patago pa rin kaming lumalabas. Hindi ko na rin gaanong naririnig na nag-aaway sina Mama at Papa. “So, bakit mo gustong mag-aral sa UP?” Napahinto ako sa pag-susulat nang tanungin iyon ni Kaii sa akin. Napabuntong hininga ako bago ko nasagot ang tanong niya. “Kahit sino naman gustong mag-aral sa UP.” Nilingon ko siya sa gilid ko dahil magkatabi lang kami. Nandito na naman kami sa favorite naming coffee shop malapit sa school. ‘KEPEling mocha’ ang name nung shop “Eh ikaw ba? Saan mo gusto mag-aral?” Binaba niya ‘yung librong hawak niya saka lumagok ng kape bago lumingon pabalik sa akin.

