Chapter 60 Hinimas himas ko ang ulo ko at marahang minulat ang mata nang maramdaman kong nanghihina ang buong katawan ko.Parang nawalan din ng pwersa ang kamay ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid para malaman kung nasaan ako dahil tanging nakakasilaw na ilaw sa ceiling ang naaninag ko. Alam kong wala ako sa bahay at muli kong pinikit ang mga mata ko pilit na inaaalala ang mga nangyari. Nakita ko si Mama nakatulog sa tabi ko habang naka mahuhulog na ang ulo ni Daddy habang natutulog sa maliit na upuan sa tabi ng side table sa gilid ng maliit na ref. Mukhang nasa hospital ako ngayon at hindi ko gaano maalala kung ano ang nangyari. Inangat ko ang kamay ko para tapikin si mama nang biglang may pumasok sa loob kaya napalingon ako doon. “Kelly!” mangiyak ngiyak na tawag

