CHAPTER 61 Nang makabalik na ako sa school, matapos ang mahabang pag-iimbestiga ay sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Shempre kasama na roon sina Aila, Amber, at Trishia. Halos araw araw rin nila akong binisita. Hindi ko alam kung nakakapag focus pa ba sila sa school pero nagpapasalamat ako sa kanila ng lubos. Na-expel si Irine pero nakiusap ako na huwag na sana umabot sa ganoon. Alam ko namang may pinanggagalingan ang galit sa akin ni Irine kaya hindi ko rin siya masisisi. Medyo magaling naman na ang kamay ko. Maayos na rin ang pakiramdam ko kaya nagpapasalamat ako kina Mama at Daddy dahil sa pag-aalaga nila sa akin. Alam kong busy si Daddy pero nagagawa pa rin niya akong dalawin sa hospital. Si Mama naman ay nilulutuan pa niya ako ng pagkain para lang ganahan ako kumain dahi

