“Lahat ng tao nag babago, Aila. Kahit ikaw! Walang taong hindi nag babago! At kahit saan mo tignan? Normal lang ‘yun. Ngayon kung hindi mo pa rin maintindihan na busy lang ako, isipin mo na ang gusto mong isipin dahil pagod na akong ipaliwanag ang sarili ko.” Madiin kong pinunasan ang mga luha habang sinusubukan kong maging matapang sa harap niya. Kahit na sa totoo lang ay nanghihina na ako sa loob. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Gusto kong umiyak sa tabi niya pero hindi ko magawa. “Lintik na pagbabago ‘yan! Sa tingin mo maganda ‘yung pagbabago mo? Ang alin? Ang iwasan ako?” umiling siya at sinuksay ang buhok niya. “I told you! I was busy!” I gritted my teeth. “Kilala kita, Kelly. At kaya kita kinakausap ngayon dahil gusto ko maayos kung ano man ang naging problema n

