Tinulak ko siya at saka padabog na umalis ng kwarto niya. Agad akong bumalik sa maliit na upuan sa sala niya saka pinagcrus ko ang mga kamay ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko na para bang may kung anong nag-uunahan sa dibdib ko. Sobrang init din dito sa loob na akala mo’y naglalakbay ako sa malawak na disyerto. Mas lalo akong hindi mapakali nang lumabas si Kevin na nakasando lang at nagpalit pa siya ng hawaiian shorts. Napalunok ako nang husto dahil bakat na bakat ang hulma ng katawan niya sa sando niya. Idagdag mo ‘tong nakataling long hair niya? Shit! What was I thinking? Napapikit ako ng madiin habang kinakausap ko ang sarili ko. Kung ano ano na kasi ang naiisip ko. Hindi naman tama. “Mainit ‘no? Wala pa kasing kuryente eh. Pinakabit ko na kaso wala pa ‘yung technician.” Um

