Kumikinang ang mga mata ko at hindi ko aalis ang titig ko sa isang sophisticated na maliit na kubo. Mukhang mamahalin at pamilyar ang bawat detalye. Mula sa bubong, hanggang sa haligi at kulay nito, mukhang alam ko na kung saan ito nanggaling. “Nagustuhan mo ba?” Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Nakatayo kami sa tapat nitong kubo at may puno pa sa gilid. May maliit a round table sa ilalim ng puno at dalawang upuan. Inikot ko pa ang paningin ko dagat pa rin ang nakikita ko. “W-wala bang may-ari nitong boundary na ‘to?” Nagtatakang tanong ko. Mamaya kasi ay baka kasuhan kami ng trespassing or what dahil sa pagpunta at pag tambay namin dito. Umiling naman siya at hindi pa rin na-aalis sa mukha niya ang kaniyang matamis na ngiti. Panandalian ko tuloy nakalimutan ang g

