Ang sabi ni Kevin, pupunta lang siya sa Bayan. Pero isang linggo na siyang hindi nagpapakita sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero naiinip na ako dito sa bahay. Lagi naman akong pumupunta do’n sa Veranda pero wala pa rin siya. Ilang beses din naman akong pumupunta sa bahay nila para magtanong kung may naka-kita ba sa kaniya pero wala rin akong napala dahil hindi nila ito nakita. Ilang beses din akong sumasakay ng habal-habal kahit nakakatakot dahil gusto kong magtanong do’n sa Mansyon kung nakita ba nila si Kevin or baka umuwi do’n si Kevin pero kahit si Beth ay hindi niya rin alam. Dinaanan ko na rin si Manang Lily para kamustahin. Hindi ko na lang muna sinabi na hindi pa umuuwi si Kevin at baka mamaya ay mag-alala pa ‘yun. Imbes na gumaling ay baka mamaya ay lumala pa ang pakiram

