“May iba ka pa bang lakad? Saan mo gusto pumunta?” tanong sa akin ni Migo pagkalabas namin sa restaurant. Tapos na kami kumain at halos isang oras kami sa loob dahil sa kakulitan ni Enzo. Napakadami niyang tanong at halos matawa na lang kami ni Migo habnag nagkakatitigan sa bawat tanong niyang hindi namin masagot. “Siguro mag grocery na lang tayo muna. Then after that saka ko na lang siguro i-mmeet ang client ko. May ipapagawa raw kasi siyang design ng bahay. Kaya magkikita kami para matanong ko kung ano mga prefer niyang design ng bahay. At saka kung saang location.” “Really? May client ka na agad ah? That’s great! Hindi ka na mabuburyo sa bahay,” natatawang sabi ni Migo sa akin. “Oo nga eh. Tinawagan ako noong friend ko dati. Sabi niya nirecommend niya raw ako sa kakilala niya. Ka

