Agad akong napalayo kay Migo matapos kaming asarin ni Enzo. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko sa batang ‘to. Bata pa lang mapang asar na. Eh samantalang tatlong taon pa lang siya. “You should have asked me to get this,” mahinang sabi ni sa akin ni Migo. Agad ko namang kinuha ang hawak niyang naka kahon na gatas at saka nilagay sa cart. At akmang ilalagay ko na ‘yon sa loob ng cart nang biglang nahagip ng mata ko si Enzo na mapang asar na nakangiti sa akin. “Stop staring at me like that Enzo. You’re teasing me now, little boy huh?” natatawang sabi ko sa kaniya at umiling saka nilapag ang gatas at pinisil ang pisngi niya. “Well, you taught he to,” komento naman ni Migo na agad kong pinasadahan ng tingin. “Ah ganon ba ‘yun Migo ha?” Tinaasan ko siya ng kilay at saka nilapit

