Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Agad akong napalunok at lahat ng mga alala ko sa nakaraan ay biglang bumalik. Lahat ng mga ala-ala ko sa kaniya ay para bang pelikula na bumabalik sa isip ko. “Sorry, but do you guys know each other?” Kung hindi pa nagsalita si Felix, malamang ay hindi pa rin kaming dalawa naka alis sa pwesto namin. Agad akong umiwas ng tingin at kinuha sa kamay niya ang Tinidor na nahulog. Hindi ako makapaniwalang kaharap ko na si Kaii ngayon. Ibang iba na ang itsura niya. Ganoon pa rin pananamit niya pero mas lalo siyang naging matured. Mas lalo siyang mas naging mukhang mamahalin. “No/Yes!” sabay naming sagot na agad naman kumunot ang noo ko. Hindi niya ako kilala? Pinagkakaila niya na ako? Ganoon na ba talaga siya ka sama kagaya ng sa Lola niya para pati pagk

