Dinala ako ni Kevin sa dalampasigan doon sa bakanteng lote na pagtatayuan ng Second branch ng IMC hotel. Well, sa tingin ko naman ay mukhang okay naman dito at sa tingin ko ay dadayuhin ‘to ng mga tao. “Okay ka na ba?” Napalingon ako kay Kevin na kasalukuyang naglalakad papalapit sa akin. Nakaupo lang ako sa buhangin at nakatingin lang sa malayo. Palubog na rin kasi ‘yung araw. Namumugto pa ‘yung mata ko at ayoko munang bumalik sa unit. “Bakit parang ang dami mo namang dala? Parang pinaghandaan mo ‘yan ah?” Biro ko sa kaniya at pinilit kong tumawa. “Tinatanong kita kung okay ka, ang layo naman ng sagot mo.” Binaba niya sa tabi ko ‘yung basket. Mukhang may lamang pagkain or what. “Hindi mo naman kailangang magpanggap na okay ka,” aniya at pinasadahan niya ako ng tingin. Natawa

