Lumipas ang ilang araw nag nag lilow muna kami sa gulo. Hindi rin muna ako ginulo ko Kaii. Mabuti na lang at naintindihan niya na hindi madali ang pinag dadaanan ko. Hindi siya nang gulo dito sa bahay para kunin si Enzo. Sa tingin ko ay tama ang naging desisyon ko na sabihin ang totoo kay Kaii. Mas madali ngayon sa akin ang kumilos nang walang tinatago. Lalo na ngayon na mag bbirthday na si Enzo. At natutuwa akong okay na rin ang lahat. “Mommy!” patakbong tawag sa akin ni Enzo habang tumatakbong papunta sa akin kaya napangiti naman ako. “Sabi ko naman sa ‘yo hindi ba? ‘Wag kang magtatakbo diyan at baka mapagod ka.” paalala ko sa kaniya habang papalapit siya sa akin. Abala ako sa kakatingin ng Menu na binigay sa akin ng caterer na pagpipilian namin ni Migo. Gusto ko sanang maging ma

