“Kelly, lasing ka na. Tara na, ihahatid na kita sa inyo.” Natawa ako nang sabihin niya iyon. Binuhat niya ako na para bang pang bagong kasal. Pinulupot ko sa leeg niya ang mga kamay ko. Nanatili akong ganoon hanggang sa nakarating na kami sa unit namin. Magkahiwalay ang kwarto namin ni Bea kaya nagulat ako na wala pa rin siya hanggang ngayon. Nang makarating kami sa loob ng kwarto ko ay marahan akong ibinaba ni Kaii mula pagkakabuhat. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang init sa loob. Akmang aalis si Kaii nang hawakan ko ang kamay niya. “Please don’t leave, Kaii. ‘Wag mo naman akong iwan kagaya ng ginawa mo noon. Willing naman akong patawarin ka. Pero bakit lahat ng mga narinig ko ay puro sorry?” Binaba niya ang tingin mula sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. “Kelly,

