Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. I just can’t believe na siya ang speaker namin. Halos ka-edad lang namin si Kaii at hindi lalayo ang agwat namin. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Hindi pa rin ako makapaniwala na after all this time, siya pala ang resource speaker namin. Hindi ko alam kung nakikita ba niya ako mula rito pero tanaw na tanaw ko siya. He is wearing corporate attire and it just really suits him. Buong duration ng seminar ay halos hindi ako mapakali. He was looking at me. I mean, nahuhuli ko siyang pasimpleng tumitingin sa akin. Tumagal ng halos limang oras ang Seminar dahil may mga kung ano ano pang demo. May mga project proposal din kasing pinagawa sa amin each team by school. “Cheers! Kahit napakadaming students kanina, isa pa rin tayo sa nag top. At h

