Matapos namin pakainin at aliwin si Manang Lily ay agad na kaming umalis. Niyaya ako ni Kevin na magpunta do’n sa barbecue house malapit sa dalampasigan. Mukha namang okay do’n kaya pumayag ako. Matagal tagal na rin no’ng huli kong kain ng ihaw. Medyo nakakamiss din pala. “Kumuha ka lang ng gusto mo para maipaluto na natin. Tapos habang nagkkwentuhan tayo, pwede na rin tayong kumain.” Tumango ako at saka isa-isang binuksan ‘yung mga tupperware na may iba’t ibang klaseng putahe na iihawin. May mga veranda rin na magkakahiwalay kaya magandang lugar ‘to kapag nag-iinuman o kasama ang mga kaibigan. May mga nakalagay na rin na pillow chair at saka may mga old lamps na nakasabit kaya sigurado akong maganda dito kapag gabi. “Kapag may gusto ka pang ipa-ihaw sabihin mo lang sa akin ah?

