Nang makabalik kami sa Mansyon, manghang-mangha pa rin ako dahil sa ganda ng bahay. Malaki naman ‘yung bahay namin sa Maynila pero mas malaki ‘to at may garden pa ‘no! May Veneranda pa! Hindi na lang ako nagsalita ng kung ano at baka mag-away na naman kami nitong kumag na ‘to. Tahimik lang ako habang papasok ‘yung kotse sa mansyon. Tahimik lang ako kahit na parang sasabog na ako sa sobrang excited na makapasok. Hindi kasi kami yata natuloy kahapon dahil du’n sa nangyari sa akin. Hindi ko nga alam kung dinaan niya pa ako dito or talagang unuwi niya na ako agad. “Parang masarap siguro magkape diyan sa Veneranda niyo ‘no?” Nakangiting sabi ko habang nakatingin lang do’n. Hindi ko alam kung narinig niya ‘yung sinabi ko. Basta nakatingin lang ako do’n habang nakangiti. “Magandang tanghali

