"SEBASTIAN, BUMABABA KA NA NGA RIYAN!" Sebastian ang aking nakababatang kapatid.
"Sandali lang, ate." Naghahanda na ako para sa pagpasok sa eskwelahan, si Sebastian ay nasa baitang siyam na at ako'y nasa kolehiya na. Naninirahan kami rito sa aking tiyahin simula ng mawala ang aming magulang. Ang sabi ni tita patay na ang mama at papa namin pero ayokong maniwala nangako sila sa akin na babalikan nila kami bago mangyari ang trahedya sa buhay namin noon.
"Yung baon mo nandiyan na, hintayin mo ako mamaya sabay tayong uuwi wag kana munang sumama sa mga kaibigan mo." Ani ko sa kanya.
"Ate naman yan din sinabi mo nung nakaraan." Ha? sinabi ko na bayon?
"Oh, ano ngayon, hahayaan mo nalang akong mag-isa sa palengke? nako nandon pa naman si Albe-" Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha niya ng mabanggit ko ang pangalan ng masukid kong manliligaw.
"Nako ate bubugbugin ko talaga yang si Albert pag hindi mo binasted yan." Hanggang makalabas kami ng bahay tawang tawa ko sa mukha niya.
"Tiya, aalis na ho kami." Bati ko sa aking tiyahin ng makita ko sa sa labas ng gate, kauuwi n'ya lang ata galing palengke.
"Mag-iingat kayo, Iyah umuwi kana agad ang tindahan walang bantay mamaya." Bilin niya sa akin, tinanguhan ko nalang s'ya bilang sagot.
"Ikaw na naman ang pagbabantayin samantalang yung anak niya puro gala lang ang ginagawa." Reklamo ni Sebastian.
"Hayaan mo na, pag naka graduate naman ako aalis na tayo sa kanila pupunta tayong maynila, pag-aaralin kita roon." Kita ko naman ang pagsibangot niya, ayaw niya kasi umalis ng palawan dahil gusto niyang dito nalang kami. Sabi ko naman sa kanya na hindi pwede, mas malaki ang sahod sa maynila kaysa rito sa palawan.
Pumara lang kami ng tricycle papuntang iskwelahan.
"Ay ate, may project pala kami sa science sabi ni jojo, g-gastos na naman tayo." Panghihinayang niya.
"Ano kaba ok lang yan, sa pag-aaral mo naman yan. Magkano ba?" Tanong ko sa kanya.
"1.500, ate." Napakamot pa siya ng batok.
"Hm...sige dadalhin ko nalang sa room mo mamaya." Saad ko sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto nakarating din kami sa labas ng gate. "mag w-withdraw muna ako, mauna kana." Nag okay lang siya sa akin. Meron kasing ATM machine rito sa puregold kung saan tapat lang nang aming eskwelahan. May account ako sa bangko dahil nadin sa scholarship ko, dito ko rin nilalagay ang ipon ko para sa gastusin namin ni Sebastian. Nag withdraw lang ako ng 5k para nadin 'to sa susunod pa na linggo, nang makuha ko ang pera ay bumili nadin ako ng paboritong inumin ni Sebastian dito.
Nang makapasok ako sa gate ay binati ko ang gwardya, rinig na rinig ko ang bulungan sa dinadaanan ko ang iba'y nagaayos pa ng kanilang mga mukha. Lumapit ako sa isang babae na sobrang pula ng mga labi.
"ID." Maikling saad ko rito. kita ko naman kung paano tumaas ang kilay niya sa akin.
"Why? Who are you to get my ID?" Pagmamaldita niya sa 'kin, rinig na rinig ko ang pagsinghap nang mga nakarinig, oh a transfer.
"Me? I am Aaliyah Slyvie Monserrat, the president council." Kitang kita ko naman kung paano siya napalunok, oh, I think she heard kung paano ako mang saway dito. "Now, miss whoever you are, can i get your ID now?" Dali dali niya namang inabot sa akin ang ID niya bago ako umalis inabutan ko siya ng wipes. "Remove that freaking red lipstick, miss, bago ko tanggalin yang labi mo." Tinalikuran ko na siya at dumaan na sa room ni Sebastian.
Kumatok muna ako sa pinto kung sakaling may guro na sa loob, bumukas ito at bumungad sa akin ang sekretarya nila, "Elias, ate mo." napatingin naman sa akin si Sebastian bago ito tumayo at dumiretso sa akin. "Oh, tabi mo yan baka mawala." umo-oo nalang siya at humalik muna sa pisngi ko bago ako tinalikuran.
Dumiretso muna ako sa Council office bago pumunta sa aking room, kailangan ko kasing mag attendance. Wala pa akong absent simula nung pasukan maapektuhan kasi non ang aking scholarship.
Pagdating ko sa room ay natahimik ang paligid, dahil alam nilang mahigpit ako pagdating sa kanila. "Mag review kayo, meron tayong recitation sa physics, ang walang masagot mamaya ang sasama sa 'kin para mag-ikot sa buong 3rd year." Malamig na tugon ko sa kanila, agad naman silang kumuha ng reviewer.
Ang mga kasama ko rito sa room ay mababa ang mga puntos, hanggang sa kaya ko naman silang ihandle kakayanin parin, graduating na kami hindi pwedeng pa tanga tanga kami.
Tinawag ko si Ange nang marinig ko ang pangalan ko sa speaker, pinapatawag ako sa council office.
Habang naglalakad ako nakikita ko ang mga juniors na ilag na ilag sakin nakakarinig din ako ng bulungan na may transfer daw sa 3rd year.
Nang makarating ako sa tapat ng office ay iniscan ko ang ID ko para bumukas ang pinto, nakita ko si ma'am na nakatingin sa 'kin tinanguan niya lang ako, nilagay ko muna sa lagayan ang mga nakuha kong ID kanina.
"Good afternoon, Ms. Monserrat." Pagbati sa akin ng Dean.
"Good afternoon din po." Pabalik bati ko sa kanya, napansin ko rin ang lalaking nakaupo at titig na titig sa akin, tinaasan ko siya ng kilay kaya lumihis ang kanyang tingin. Narinig ko naman ang pagtawa ni Dean.
"By the way, this is Samuel Gael Collymore, ang apo ng may ari ng school." Bahagya akong nagulat dahil ngayon lang ako nakakita ng kamaganak ng may ari ng school. "Gusto ko sanang i tour mo siya rito sa buong school. dahil dito siya mag-aaral hanggang makatapos siya." Paghinging pabor ng Dean sa akin.
"Uh, ngayon na po ba?" Tumango naman siya. "Hindi po ba pwedeng bukas? may recitation po kasi kami mamaya ayoko naman po na hindi mag recite."
"Okay lang ba sayo iyon, Mr. Collymore?" Nang tignan ko ito ay nakatitig na naman ito sa akin. "Ehem, Mr. Collymore." Mukang natauhan naman siya kaya tumango tango siya.
"Okay, Dean, thank you po." Nginitian ko naman si Mr. Collymore bahagya pang namula ang kanyang mukha.