Kabanata 2

1061 Words
Pagtapos ng klase namin, pumunta agad ako sa office para mag check ng mga kailangang papirmahan. Hindi ko na namalayan ang oras, nang makita kong madilim na'y agad akong nag ayos ng gamit dahil uwian na ni Sebastian, magagalit na naman 'yon dahil ang tagal ko. Nilock ko lang ang pinto at naglakad na papuntang gate. Nang maaninag ko ang gate ay nakita ko roon si Sebastian na nakaupo sa tabi ni kuya Andro (yung guard) at nakabusangot pa, mukang kanina pa ito rito. "SEBASTIAN!" Tumingin naman siya sa akin at lalong humaba ang nguso. "Magandang gabi, kuya Andro." Maligayang bati ko sa kanya. "Magandang gabi din, Iyah." Aniya "Ate, ang tagal mo naman, nagugutom na 'ko." Pagrereklamo ni Sebastian sa akin. "Hm sige, kakain nalang tayo bago umuwi." Lumiwanag naman ang mata niya. "Talaga, ate?" Tumango naman ako sa kanya, agad siyang nagpaalam kay kuya Andro dahil nagugutom na raw talaga siya. Nang makarating kami sa paresan na nais kainan ni Sebastian ay umorder kami agad at nagsimulang kumain. "Ate, ang bait ni kuya Sam." huh? sam? "Kuya Sam? sino naman 'yon." Pagtatakang tanong ko sa kanya. "Si kuya Samuel, kanina kasi habang hinihintay kita inip na inip na 'ko sinamahan niya ako ron nagpabili pa siya ng inumin nauuhaw na kasi ako, sabi niya itawag ko nalang daw sa kanya, e. kuya Sam." Pagkwento niya. "Oh? talaga?" Hindi makapaniwalang ani ko sa kanya. "Oo, tas pansin ko rin bagay pala kayo." Makahulugang aniya. Mabilis naman akong nabulunan sa lumabas sa salita ng kapatid ko. Inabutan niya naman ako ng tubig at nagpipigil ng tawa. "Pansin ko rin Sebastian, deserve mo mabawasan ng allowance." Nakangiting pananakot ko sa kanya, hindi ko naman kayang bawasan ang allowance niya. Pagkauwi namin ay nagbihis lang ako 'tsaka dumiretso sa palengke, si Sebastian naman susunod nalang daw. Habang naglalakad ay nakakita ako ng magandang sasakyan, s**t Mercedes dream car. Bigla ko tuloy naisip na what if I can't finish my study, what about Sebastian, paano siya makakapagtapos ng pag–aaral? can I buy a car too? a house? Ewan ko ba kong ano–ano naiisip ko dapat think positive lang tayo dito. When I arrived at the palengke, I greeted the acquaintances here. My aunt also left when I arrived. "250 nalang po, mas fresh pa yan sayo, sis." Pangbu–budol ko sa bumibili. "Ay bastos kang bata ka, ah." Ay na–offend ata. "Oy, ito naman ang ibig kong sabihin, e masarap din 'to, parang ikaw." Napangiwi nalang ako sa lumalabas sa bibig ko. "ATE." Nakarinig ako ng tawag at nakita ko si Sebastian na may dalang plastic, mukang pagkain, nakasuot lang siya ng terno jersey at Sumbrero. Inabot ko lang yung binili ng babae tsaka sinalubong si Sebastian. "Kumain ka muna, ate." Pagkain nga. "Sumabay kana." Pag–aya ko sa kanya. Nakita ko namang dumaan si Aling nena "Kain po, aling nena." Tumango naman sa akin at ngumiti. "Salamat, Iyah." Pag–uwi namin ay sumalubong sa akin ang magulong bahay, napahinga nalang ako ng malalim mukang galing dito ang kaibigan ni Karen. Sinasaway pa ako ni Sebastian na wag na linisin dahil hindi ko naman daw kalat yon, kesho matuto raw maglinis pagtapos gamitin ang bahay, wala naman akong magagawa pag hindi ko naman nilinis 'to ako lang din ang mapapagalitan. Pagtapos na pagtapos maglinis ay naligo na ako at naghanda sa pag tulog PAGKAGISING ko ay nagluto na ako ng almusal at ginising si Sebastian 'tsaka sila tita. Habang kumakain ay nagsalita si Karen, "Balita balita nilalandi mo daw yung apo ng may ari ng school mo." WHAT THE f**k? Tinignan ko lang siya "Tsk, kulang ba yung binibigay ni mama sayo kaya nagpapa–bayad ka na? Oo nga naman like mother like daughter." Nabitawan naman ni Sebastian ang kutsara niya rinig na rinig ko ang bilis ng paghinga niya. Sa sobrang inis ko, napatayo ako at nasampal siya. Nalaglag naman siya sa kanyang kinauupuan sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko, sasampalin ko pa sana siyang muli nang marinig ko ang sigaw ni tita. "ANONG NANGYAYARI RITO?!" Napapikit nalang ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. "Mama, she slapped me suddenly, I was doing nothing naman." Pag iyak na banggit niya. Bigla nalang akong sinampal ni tita. "Wala ka talagang utang na loob, Aaliyah, ang kapal ng muka mong saktan ang anak ko." wika niya. "T-tita s-siya n-naman kasi y-yung nauuna s-sinabi niya–" Pinutol naman ni karen ang sasabihin ko. "Sisiraan mo na naman ako sa nanay ko." aniya, napaling ang mukha ko pakaliwa ng malakas akong sinampal ni tito. "ATE." Rinig kong sigaw ni Sebastian, umiling nalang ako sa kanya. "Ang kapal din nang apog mo, e noh, ni lamok nga hindi ko pinapadapo sa anak ko tas sasampalin mo lang." Pag-sigaw niya sa akin. "Tangina mo pala, e." Napabaling naman si tito kay Sebastian ng sumabat ito."Kaya walang kwenta yang anak mo e, kagabi lang ang kalat nitong bahay dahil diyan sa anak mo na hindi marunong maglinis." Kitang kita ko ang pamumula ng muka ni Sebastian dahil sa galit. "Puta, bastos ka na, ah." Mabilis niyang sinuntok si Sebastian, Napatakbo naman ako sa kanya, "Tito, wag na sige na, tama na po." Pagmamakaawa ko sa kanya, "Wag nyo pong saktan yung kapatid ko, Sebastian umakyat kana roon." Pag utos ko sa kapatid ko. "Ate naman." Pag protesta niya. "Please." Padabog naman siyang umakyat. "S-sorry p-po." Paghinging tawad ko sa kanila bago umakyat sa kwarto, kita ko pa ang pagngisi ni karen sa akin. Pagbukas ko ng pinto sumalubong sa akin si Sebastian naumiiyak at agad na yumakap sa akin. "A-ate, a-alis n-na t-tayo rito, s-sinasaktan ka n-na naman nila." Paghagulgol nito sa akin, nginitian ko nalang siya. "O-okay lang si a-ate, hm, h-hindi pa k-kasi kayang u-umalis e, t-tiis nalang huh?" Inakap ko naman siya ng mahigpit, lalo naman siyang umiiyak sa bisig ko. Hindi basta bastang umiiyak si Sebastian, kahit may nakakaaway siya sa iskwelahan never siyang umiyak, ako, ako palang ang nakakakita sa kanyang umiiyak, yung unang beses ko siyang makitang umiiyak dahil kala mama, nasabi ko nalang 'Ma, y-yung kapatid ko u-umiiyak' Para akong nagsusumbong kay mama habang nakatingala sa langit bumibigat yung pakiramdam ko sa tuwing umiiyak yung kapatid ko, kapatid ko 'yan e, tangina pwede bang sa akin nalang lahat ng sakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD