Naghihintay ako ngayon dito sa Council office para hintayin si Mr. Collymore rito kasi namin napagusapan na magkita kung tatanungin nyo kung paano? he emailed me in my email hindi ko alam pano niya nalaman ang personal email ko. Pwede namang School email ko nalang ang pagdalhan akala ko tuloy nanalo na 'ko sa mga sinasalihan kong raffle.
Ewan ko nga bakit ako pa ang naisipan na ipasama, ang dami daming ginagawa sa office namin may reporting pa akong gagawin mamaya. Pero sabi naman ng ibang prof ko excuse na ako sa mga klase nila. Okay naman kaso yung mga aaralin nila hindi ako makakasunod. Although, nag a-advance reading naman ako.
Mas madami nga ang mga nakuhaan ko kanina ng ID, halos kalahati ata ng babaeng estudyante rito nag-aayos lahat, Yung iba binubuksan pa ang ibang bitones ng uniform nila. Like, nasa school kayo wala sa fashion show.
Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. "Good morning, Ms. President." Nakangiting bungad nito sa akin, napansin ko rin ang nilapag niyang dalawang starbucks coffee.
I smiled at him, pagbigay respeto narin dahil binati niya ako. "Magandang umaga, Mr. Collymore." Inabot niya naman sa akin ang isang kape agad din akong nagpa-salamat at inaya na siya para masimulan ang kalokohang ito-I mean tour na ito.
"Ito naman yung building ng junior high school.." Tinuro ko ang nasa unahang building. "At yong nasa gitna naman yung sa senior high school." Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din ito sa akin. "Hoy, nakikinig kaba?" Tumango tango naman siya.
"Anong year kana ba?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siyang muli sa akin bago sumagot. "3rd year." Ah siya ata yung transfee na pinagbubulungan kahapon.
Kaya tinuro ko ang building ng 3rd and 4th year magkasama kasi sa isang building. "Iyon ang building mo. Ang yaman ng pamilya mo iba-iba building." Narinig ko pa ang pagtawa niya bago kami naglakad ulit.
"Ayan yung basketball court tas don sa pintong yon yung pool..." Tuloy tuloy nayon.
Maayos naman siyang pakisamahan, comfortable naman. Buti rin at may klase kaya konti lang ang mga estudyante sa labas kaso pag nadadaan kami sa bawat room dito may sisisgaw ng pangalan niya, maririnig nalang namin na nagsasaway na ang mga prof.
Bumalik din naman ako sa klase namin pagtapos kong iikot si M-Gael. Ayaw niya kasing tawagin ko siya Mr. Collymore masyadong pormal daw, ayaw ko rin namang tawagin siyang Samuel hindi naman kami close. Baka sabihin pa first name basis na kami, maiissue pa ako.
Hindi na naman nagtagpo ang landas namin ni Gael, baka nag-aayos 'yon ng requirements niya ewan ko kung inaayos niya pa iyon dahil sila naman ang may ari ng iskwelahan na ito.
Pagtapos ng klase ganon lang din naman ang nangyari pagka-uwi namin ni Sebastian, kung hindi makalat ang bahay uutusan ka namang gawin ang dapat sila gumagawa, nakakasawa din, pero kaya naman, kakayanin.
Pagka-uwi ko galing palengke ay rinig ko ang sigawan ni tita at tito nagaaway na naman sila, lagi naman.
Kung hindi dahil sa pera, dahil sa amin ni Seb dahil palamunin daw kami. Wala naman silang binibigay na pera sa akin, ako rin naman ang bumibili ng pagkain namin si Sebastian alam 'yon ni tita pang tuition sa mga project ako lahat ang gumagastos non para sa amin. Pero ang alam ni tito at karen ay nagbibigay si tita.
May mga naiiwan na ari-arian sila papa nung namatay sila, binenta ni tita 'yon pati yung bahay namin, walang natira para sa amin ng kapatid ko. Yung pera na pinagbentahan ginamit para sa pang pagawa ng bahay ni tita pangpa-aral ni karen. Okay lang naman sana, pero sa huli kami pa ang mali, wala raw kaming karapatan para roon, tangina? magulang namin 'yon.
Ginawa ko nalang ang research ko at ibang pang activities na kailangang gawin, mas maagang magawa mas okay, para naman hindi ako nauubusan ng oras.
'Buti nga at nakabili ako ng 2nd hand laptop may magagamit kami ni Sebastian sa mga gawain namin sa school.
Balak ko sanang I enroll sa scholarship si Sebastian mahirap din kasing mag working student gusto ko ding mag focus sa pag-aaral ko, pero kung ayaw niya naman hindi ko pipilitin.
Pagtapos kong gawin ang mga activities ko, napagdesisyonan ko na lumabas para pumunta sa 7/11 sinilip ko muna si Sebastian kung tulog na bago tuluyang lumabas.
I just bought Hot choco and Asado Siopao, I paid for it first before going home. Delikado narin kasi dahil hating gabi na.
When I got home I found Karen outside the house trying to open the door with the key ang tanga, e, bukas naman 'yon, lasing ata 'to.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso."Karen tara na pumasok na tayo." Tumingin naman ito at sumimangot bago tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya muntik pa itong malalag kung hindi ko lang nahawakan muli. "Bitawan mo ang ako ang dirty, dirty ng kamay mo, e."
"Manahimik ka nga, sungal-ngalin ko bunganga mo riyan e." Hinila ko na ito bago pa magreklamo, siya na ang tinutulungan magiinarte pa.
Akmang uupo pa si Karen sa couch ng pigilan ko siya. "Sa kwarto kana matulog." Habang paakyat kami ng bigla siyang huminto tinignan ko naman siya nakakunot ang noo niya. "Bak–" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sinukahan niya na ako.
"Anak ng putcha naman." Bakit ba naisipan ko pang tulungan ito, dapat talaga iniwan ko na ito sa labas e.
Dinala ko lang siya sa kama niya bago ako pumunta ng kwarto para magpalit ng damit.
Bumalik din ako agad sa kwarto niya para palitan siya ng damit may suka din kasi, kadiri ampotek.
Hindi ko mapalitan ang pangtaas siya dahil naka zipper sa likod.
"Hoy." Sinasampal ko na siya ngunit ayaw parin niyang magising.
Napabuntong hininga nalamang ako bago siya buhatin para maisandal ko siya sa headboard ng kama, ang bigat ng babaeng 'to. Kumuha lang ako ng t-shirt na maluwag sa kanyang aparador, napapansin ko kasi na puro maluwag ang sinusuot niya sa gabi.
Pagtingin ko sa kanya halos lumuwa ang mata ko dahil nakatingin ito ng diretso sa akin. Umubo muna ako bago magsalita. "Pupunasan muna kita bago palitan, inom-inom kasi hindi naman kaya." Lumapit ako sa kanya bago hubadin ang pangtaas niya para mapunasan siya. hindi naman ito ang unang beses na gagawin ko ito.
Napansin ko namang nakatitig lang ito sa akin. "May problema ba?" Umiling naman siya bago yumuko.
Habang pinupunasan ko ang bandang tiyan niya ay napansin kong may tumutulo na tubig sa aking kamay, nang tignan ko siya nabigla ako ng umiiyak na ito.
"Tangina, hoy, inaano kita?" Mas humikbi naman siya, luh gagi inaano ko ba 'to.
Inisip ko naman kung may ginawa ba ako sa kanya, nang wala akong maiisip, naiisip ko nalang na baka may problema ito. "Ano bang problem? huh?" Malumalay na tanong ko sa kanya.
Tumingin naman ito sa akin. "I hate you" Gago pala ito e akala niya bati kami?
"Same, bitch." Pagbawi ko sa kanya. Nagulat ako ng yumakap ito sa leeg ko at humagulgol. "Hala joke lang baka magalit nanaman sa akin si ti–" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya. "S–sorry." Mahinang wika niya sapat lang para marinig ko.
Ng mapagtanto ko ang sinabi niya ay agad ko siyang inalo dahil lumalakas ang pag iyak niya. "Shhh tahan na, ano bang problema?" Pagtatanong ko sa kanya, dahil hindi ko talaga alam kung anong nangyayari.
"Natatakot ako ate." Nagulat naman ako sa sinabi nito pero parang may humaplos sa puso ko nang tinawag niya akong ate. "San ka natatakot? may nanakit ba sayo?" Hindi siya sumagot umiyak lang siya ng umiiyak.
Naramdaman kong bumibigat na siyang muli kaya inihiga ko na siyang muli, ng ako ay tatayo bigla niya akong hinili at inakap. "W–wag mo 'kong iiwan ha, s–sama nalang a–ako sa inyo ni Basti." Nakaakap parin ito sa akin habang sinasabi iyon.
Nang tumahimik siya ay kukumutan ko na sana siya ng makita kong may pasa ang likod ng binti niya kaya siguro hindi ko ito napansin kanina. Nang mahawakan ko ito mukang bago pa dahil sobrang violet nito.
Bumaba nalang ako sa baba para kumuha ng yelo ay idampi ito sa kanyang pasa.
Habang dinadampi ko ang yelo sa kanyang pasa nakita kong basang basa ang muka niya ng luha pinunasan ko ito bago siya titigan.
Nakaramdam ako bigla ng takot para sa kanya, hindi ko naman kasi alam kung ano ba ang nangyayari sa buhay niya dahil hindi naman kami close.
Pero kanina muka siyang takot na takot, na akala mo may humahabol sa kanya.
Parang ang tagal niya ng kinikimkim kung ano man ang problema na meron siya.
Doon ko rin na pagtantong hindi lang kami ni Sebastian ang kailangan ng tulong. siya rin.
Kinuha ko na ang pinaglagyan ko yelo bago bumabang muli nakita ko sa mesa yung siopao ko, hindi ko na pala nakain nilagay ko nalang sa ref ito para maiinit nalang bukas.
Umakyat narin ako sa kwarto at humiga, hanggang makatulog ako iniisip ko pa rin kung ano ba ang kinakatakutan ni Karen.