“Miss, ikaw ba ang kinakasama ni TongTong?” Kasalukuyan ng nagliligpit ng mga paninda si Vekvek ng mula s kung saan ay may isang lalaking lumapit at nagtanong sa kanya. Waring namumukhaan pa ni Vekvek ang lalaking nagtatanong kaya bahagya siyang tumango. “Oo, sir. Bakit ho? May kailangan ho ba kayo kay Tongtong?” tanong niya sa lalaki na inaalala niya kung saan niya ba nakita. “Hinahanap ko talaga siya dahil may sasabihin ako pero lagi siyang wala sa mga lugar na madalas niyang puntahan dati. Panay ang tawag ko sa cellphone number niya maging ang mga chat ko ay hindi niya binabasa kaya minabuti ko ng hanapin ka para masabi mo sa kanya na hinahanap ko na siya,” ana pa ng lalaki sa seryosong pananalita. “Maaari ko bang malaman kung bakit hinahanap mo si Tongtong? May atraso ho ba siya

