Chapter 15

2100 Words

“Vek, baka may natatago ka pang diyan? Wala na kasi akong extra pa,” ang sabi ni Tongtong kay sa kanyang kinakasama na kasalukuyan nagtatakal ng nilagang mani na maingat na sinisilid sa maliit na plastic para itinda sa bangketa kung saan ito nagtitinda. “Ha? Ang dali namang naubos? Diba kabibigay ko lang sayo ng limandaan noong isang araw at ang sabi ko nga sayo ay pagkasyahin mo muna dahil nga ipon ko lang yon sa mga sukli na ibinibigay na sa akin at hindi na kinukuha ng mga namimili. Anong ibibigay ko sayo ngayon na kapag binawasan ko na naman itong pera ko ay baka wala na akong puhunan bukas,” ang sagot naman ni Vekvek sa kinakasama. “Para naman hindi mo alam na mahal na ang mga bilihin ngayon? Siyempre ang dami kong pinapaxerox at pinapa print kaya naman naubos agad ang limangdaan.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD