“Saan ka ba nanggaling at kanina pa kaya kita hinahanap,” sabi ni Vekvek kay Tongtong ng makita niya na nga ito na naglalakad. “Vek, narito lang ako at hindi umaalis. Pinag aaralan ko ang mga kung anong mga ginagawa ng mga tao rito at mabuti na nga lang at nasisikmura ko,” sagot ni Tongtong at saka na hinatak si Vekvek na maupo na lang sa isang bakanteng lamesa. “Nasaan si sir Ben? Naroon pa rin ba siya sa VIP room?” tanong ni Tongtong. “Oo at kaya nga kita hinanap ay para may makasama ako rito ayoko na muna kasing bumalik doon. Iyong mga kasama kasi ni Sir Ben ay mga babaeng kasama at kasalukuyan silang gumagawa ng kahalayan sa silid na yon,” sagot at kwento pa ni Vekvek “Vek, ano pa bang aasahan mo pang makita aa ganitong klase ng lugar? Kaya lang naman hindi nakakagawa ng mahalay an

