Waring ipinarada ang mga babae at lalaking bihag na nakasuot ng mga maskara ngunit halata ang takot sa kung anong pwedeng mangyari sa kanila. Maya-maya ay may isang taong nagpunta sa stage at tinutukan ng maliwanag na ilaw habang naglalakad. “Sino kaya yan? Siya kaya si Ashton na sinasabi nila?” ani ni Vekvek kay Tongtong. “Siguro, Vek,” sagot ni Tongtong na nakatutok ang mga mata sa stage. Para bang hindi dapat palampasin ang kung anong mangyayari kaya walang dapat na kumurap. “Good evening ladies and gentlemen,” pagbati ng lalaki ngunit nakasuot din ng maskara ang mukha. Hiyawan ang mga tao sa pagbati ng lalaki. “Umpisahan na yan, Ashton!” sigaw ng isa sa mga naghihintay ng palabas. Tumawa si Ashton at sumenyas ng sandali lang at itigil muna ang sigawan ng mga bisita para umpisah

