“Nakakasuka na ang ganito. Bakit nangyayari ang lahat ng mga ito?” umiiyak na tanong ni Vekvek lalo pa at nag iiyakan ang mga babaeng parang mga hayop na ibinebenta sa mga matatandang lalaki na hayok sa laman. Mayroon pang matandang lalaki na dalawang babaeng birhen ang binili para raw may salitan siyang pinaglalaruan. “Sold na ang lahat ng mga birhen. Maraming salamat sa mga galante nating parokyano dahil paldo na naman ang bulsa ko sa laki ng mga pera na pinasok niyo. At tuwang-tuwa rin naman ang mga tauhan ko dahil sa laki rin ng mga ibibigay kong bonus para sa kanila,” saad ni Ashton na nagpasalamat sa mga bumili ng mga bihag niya. Nagpalakpakan naman ang lahat ay ng sigawan pa ng balato. “Maraming inumin at mga pagkain kaya enjoy lang tayong lahat. At para nga mas uminit pa ang ga

