Dahil sa laki ng ng kinita ni Vekvek sa pagpayag na mag extra ng pagiging waitress sa pinagtatrabahuhan ni Gladys ay nabayaran niya ang inutang niya ritong dose mil at malaki ang naging sobra kaya naman may pansarili na siyang puhunan para sa kanyang pagtitinda. “Bakit ibinibigay mo na? Hindi naman ako naniningil at saka hindi pa dapat si Tongtong ang magbabayad nitong dose mil dahil siya naman ang gumamit?” ani ni Gladys na nagtataka pa na binabalik na sa kanya ng kaibigan ang pera na nahiram nito kahit hindi pa naman niya sinisingil. “Huwag ka na lang maingay kay Tongtong, Glads. Basta kapag magbabayad siya sayo ay kukunin ko kunwari ako na lang ang mag-aabot sayo para magpatuloy siya sa trabaho niyang taga deliver ng tubig. Five hundred a day na yon kaya malaki-laki rin ang maipapasok

