Chapter 6

1113 Words

“Daig mo pa ang pinagsakluban ng langit at lupa sa nakasambakol mong mukha, Vek. Napaano ka ba?” tanong ni Nanay Dek ng mapansin ang nakasimangot na si Vekvek. “Ang dami kasing mga problema, Nay. Minsan gusto ko na talagang sumuko pero nagpapakatatag pa rin ako.” Ang sagot ni Vekvek dahil sa mga nakalipas na araw ay nawalan siya ng gana na maghanap buhay dahil nga sa nawala ang mga ipon niya na asang-asa siya na magiging kanyang puhunan. “Sino naman ang walang problema, Vek? Ako nga ay may sakit pero hindi ako makapagpatingin dahil sa kawalan ng salapi.” “Nay, talagang magkakasakit ka kasi sa lapag lang kayo natutulog at karton lang ang sapin. Hayaan niyo kapag yumaman ako ay bibilhan ko kayo ng bahay at magpapasadya ako ng kama na ubod ng lapad at lambot para maging komportable kayo,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD